Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris imbyerna sa pilantik ni Bimby

0 697

Ayaw talaga tigilan ng mga basher ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Yap. Kahit na nilinaw na mismo ng bagets na straight siya, pinagpipilitan pa rin ng ilan ang kanilang espekulasyon.

Kaya naman hindi namin masisi si Kris kung nagiging tigre dahil sa mga walang magawang bashers na ito.

Minsan pa ay nag-ala-beast mode na naman si Kris nang isang netizen ang pumuna na naman ng kilos ni Bimby.

Komento ng isang basher sa video nila ni Bimby na ipinost ni Kris, “pilantik ng mga daliri.”

Siyempre, as a mom, hindi ito pinalampas ni Kris. Aniya, punong-puno na raw siya sa pangbu-bully sa kanyang anak.

“You know i have had enough of this bullsh*t… if that’s the only thing you can criticize about my son then i have really done a f*cking great job as a mom.

“On the other hand i must say the fact that you choose to pick on the gestures of a 14 year old boy says so much about your lack of propriety. I have shut up for too long BUT i have had it,” ani Kris.

“This is my feed, and you are bullying the wrong boy,” patuloy pa niya.

Maling ina raw ang pinili ng basher at hinamon niya itong makita nang face to face.

“I am not going to criticize you physically BUT i will call you out on your lack of DECENCY. You cannot handle attacking me so you are attacking my son. You chose the wrong Mom. i look forward to the day i see you face to face,” mensahe ni Kris sa basher.

Marami namang nakisimpatiya kay Kris at nagpahayag ng pagtutol sa pangbu-bully online.

Andrea inalila, isinubsob ng utol

Hit na hit ngayon ang bagong YouTube vlog ni Andrea Brillantes kung saan ay nag-ala-Annaliza siya for a day at pumayag na utus-utusan ng kanyang kapatid.

As we all know, ang Annaliza ang hit teleserye ni Andrea noong bata pa siya at ito ang kanyang claim to fame talaga.

Marami raw ang nagri-request sa kanya na gawin ito and since naka-3 million subscribers na si Andrea sa YT, bilang treat sa kanyang fans ay pinagbigyan niya ang hiling ng mga ito.

Sa kabuuan ng vlog ay makikitang inaalila siya at tinataray-tarayan ng kapatid na si Kayla Aan Gorostiza na kunyari ay siya si Arlene (Kyline Alcantara) habang si Andrea naman ay larawan ng isang napakabait na bata na sunod nang sunod na parang si Annaliza nga.

Nagluto si Andea, naglinis ng bahay, naghugas ng pinggan at iba pang gawaing bahay. May eksena pang isinubsob siya ng kanyang kapatid.

Bandang huli ay naki-join na rin ang kanyang ina sa pang-aapi sa kanya.

Enjoy na enjoy naman sa panonood ang mga subscribers ni Andrea at nainis din sila sa ate ng aktres na umapi-api sa kanya.

Marami rin ang nagkomento na sana raw ay magkasama sila ulit ni Kyline sa isang serye.

Sa ngayon ay napapanood si Blythe (real name ni Andrea) sa Kapamilya seryeng Huwag Kang Mangamba kasama ang mga ka-miyembro sa The Gold Squad na sina Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri.

Leave A Reply

Your email address will not be published.