Abante Tonite Interactive

Kris inasar si Falcis

‘Tumingin lang ako sa IG mo, block agad’

By
0 229

Muling umandar ang iringan nina Kris Aquino at Nicko Falcis matapos i-follow ng ‘Queen of All Media’ ang kinasuhang dating business manager nito.

Sa Instagram story unang nag-post si Nicko na finollow siya ni Kris sa social media app, ngunit kaagad na block ang isinagot sa TV personality.

Nanawagan din si Nicko na ‘wag na mang-harass umano si Kris sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Stop harassing me, it’s been six months already and all you did is torture my family and friends. Tama na po! You are crazy!!!” giit ni Falcis.

Agad namang sumagot si Kris sa kanyang account, tila binubuyo si Falcis sa pag-post nito ng mga throwback picture nila na magkasama noong magkaayos pa.

Makikita sa pic na magkasama ang dalawa para sa meeting sa isang sikat na food franchise, kasama rin ang anak na si Bimby sa mga larawan, sa isa pang picture ay kita ang closeness ni Nicko at ni Josh.

“Nicko, i only wanted to check on you, after all no matter this unfortunate ending, we actually did build SOMETHING to be proud of… tumingin lang ako sa IG mo, BLOCK agad? How sad… Just in case you miss me- edited a video to refresh your memory,” sey ni Kris.

Dinepensa naman ng kapatid na si Jesus Falcis si Nicko, una raw na nang-block si Kris sa kanyang utol at hindi dapat baliktarin ang istorya.

Iginiit din ni Jesus na hindi miss ng kanyang kuya si si Kris.