Abante Tonite Interactive

Kris inilantad na ang boyfriend

By
3,643

FINALLY, nilabas na ni Kris Bernal ang kanyang non-showbiz boyfriend na kasama niya ngayon  na nagbabakasyon sa ­Iceland.

Caption niya sa lara­wan na magkasama sila at naka-post sa kanyang Instagram account: “Someone whom I can be myself with, someone who I can have pointless conversations with, someone who still adores me even when I’m weird, laughs at my silly jokes and still stands beside me even when I do dumb and stupid things! I want to wish you all the love and happiness in the world.”

Mukhang tutok dito ang oras ngayon ni Kris dahil magwawakas na bukas, February 9 ang Afternoon Prime soap niya sa GMA 7 na ‘Impostora’.

“I’m really happy kasi hindi bumitaw ‘yung mga tao. Patuloy pa rin nilang tinututukan ‘yung Impostora. Kumbaga, ang tagal-tagal na nu’ng show namin at kahit may bagong katapat, nakatutok pa rin sila sa amin tuwing hapon kaya masaya talaga kaming lahat,” deklara niya.

“Aside from Little Nanay, Impostora is one of my favorite shows because it made me realize that I can do kontrabida roles because I was stuck with being sweet, and parang laging inaapi, so kahit sa sarili ko nagulat ako na I can do more pa pala. And it’s very different from Little Nanay as well. So talagang na-challenge ako na switching from one character na may intellectual disability to talagang matapang na kontrabida. So ibang klase,” dagdag pa niya.

Talbog!

Aktres gusto nang magpabuntis

HULAAN BLUES: MUKHANG nasasabik nang magkaroon ng anak ang isang magaling na aktres.

Tuwing walang taping, hinihiram niya ang anak ng kaibigan niyang aktres. Sobrang natutuwa siyang mag-alaga ng baby.

Hindi na tayo magugulat ‘pag mapabalitang pregnant siya dahil nga­yon pa lang ay nagpapakita na siya ng senyales na sabik siya ulit na magka-baby. Malaki na kasi ang panganay niya.

Puwede naman siyang buntisin ng boyfriend niyang aktor dahil kasal na lang ang kulang sa kanila.