Abante Tonite Interactive

Kris inisnab ng Kapamilya, Kapuso

1,272

tonite-imo-vinia-vivarMay isang netizen na pumuna na inisnab daw ng dalawang major networks na ABS-CBN at GMA-7 ang pagrampa at pagdalo ni Kris Aquino sa red carpet premiere ng ‘Crazy Rich Asians’.

Komento ng netizen sa latest post ni Kris, “Welcome home, @krisaquino ! Thank you for making us proud! Why are major networks @abscbn and gma depriving us of celebrating­ your feat by their silence/non-coverage of your CRA premier? Are they under testraint and control? By their manage­ment? Or by invisible force?It is ironic that you are denied media freedom which was restored thru your dad’s sacrifice. @abscbn , how about some gratitude?”
Sinagot naman ito ni Kris na huwag na raw maging negative at wala raw itong mabuting maidudulot.

“Wag na maging nega­tive. Honestly seeing­ myself in vanityfair.com beyond #kilig na. And it was @tv5manila that spent to send @mjmarforito fly to LA & get accreditation from @wbpictures…

“Walang mabuting dulot ang magalit or magtampo sa bawat perceived snub… ang importante maraming Filipinos worldwide felt good seeing me represent our country. If you sincerely feel what you posted how about saying thank you to @inquirerdotnet, @rappler, @pepalerts, @tv5manila for being super supportive?

“We can accomplish so much more by promoting those we love & those who generously­ support rather than giving attention to those who don’t appreciate us… in all fairness GMA ONLINE has really been very FAIR & consistent in giving me a lot of positive cove­rage,” ang reply ni Kris sa netizen.

May mga ibang netizens din na sumagot na napanood din naman daw sa dalawang networks ang event at hindi naman totoong inisnab daw si Kris.

Samantala, sa latest­ IG post nga ni Kris ay makikitang nakauwi na ng bansa ang Queen of All Media at sobrang happy niya na makita ang napakaraming flowers­ and ballons sa kanyang bahay mula sa mga kaibigan at nagmamahal.

“Ang sarap umuwi na ganito ang salubong… Thank you for the love & appreciation. I am beyond grateful..” ang caption ni Kris.
***

Daniel ikinalungkot ang pagkakakulong nina CJ, Julio, Sabrina

Ikinalulungkot ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na may mga artistang nakukulong dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Nakakalungkot po na meron ding mga artista na nahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at isa nga po rito recently lang ay si CJ Ramos,” pahayag ni Daniel sa presscon ng kanyang proyektong Bola Kontra Droga sa Bulacan na ginanap last Thursday.

“Si Julio Diaz na taga-Bulacan ay nakakulong po ngayon.­ Hindi lang po ‘yan, si Sabrina M at marami pang iba.”
Ayon kay Daniel na ina-aim na ma­ging drug-free ang Bulacan, pangarap din daw niyang magkaroon ng drug-free na showbiz industry.

“Upang maging mabuting huwaran ang ating mga artista sa ating mga mamamayan, lalo na po sa ating mga kabataan. Ito po ay unang hakbang pa lamang sa ating tuloy-tuloy na kampanya.

“Hinihingi natin ang suporta ng bawat isa upang maging matagumpay ang ating layunin. Bola Kontra Droga para sa isang drug-free Bulacan, drug-free showbiz. Ito po ang ating pangarap, ito po ang aming pagsusumikapan,” pahayag pa ni Vice Gov. Daniel.

Last Thursday din ay nagsimula na ang Bola Kontra Droga anti-drug campaign ng aktor/politiko kung saan ay inimbitahan din niya ang ating mga celebrities para makasama niya sa mga basketball games sa mga campus sa Bulacan.

Kabilang sa mga artistang kasama sa Bola Kontra Droga campaign ay sina Joross Gamboa, Matt Evans, Mark Herras, Onyok Velasco, Jordan Herrera, Derrick Hubalde, Marco Alcaraz, Joseph Bitangcol, and JC Tusieco. At ang una ngang basketball game ay ginanap sa Bulacan State University na ginanap din nang araw na ‘yun.

More than willing naman ang mga celebs na nabanggit na suportahan ang proyekto ni Daniel­ dahil sila rin daw ay naghahangad ng isang drug-free country alang-alang sa kanilang mga anak, magiging anak at buong pamilya.