Abante Tonite Interactive

Kris inupakan sa pag-etsapuwera kay Alden

1,123

May mga ilang nangba-bash ngayon kay Kris Aquino dahil sa na­ging review nito recently sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”, sa­ying allegedly that Kathryn Bernardo owns the movie.

“What’s this commotion about Kris saying Kath owned the movie alone? No offense but a movie won’t be this successful w/o the team work of the main artists + their team. Also, I loved how Kath shined in all her scenes w/o Alden overlapping and vice versa. Very natural lang lahat,” ang tweet ng isang Twitter user.

“Also, if we talk about love stories, we’re all looking forward sa charisma nung main actor and the screams inside the cinema speaks VOLUME. in short, alden has that appeal to the general public plus his mata-mata acting received many positive reviews from the people,” patuloy pa ng netizen.

Sagot naman ng isa, “true! It was all because of the efforts of the co-actors not just kath alone..sorry Kris Aquino but I strongly disagree with you.”

May nagkomento ring papansin lang daw si Kris.

Pero nang panoorin naman namin ang video ng review ni Kris, wala naman kaming nakitang sinabi niyang “Kathryn owns the movie.”

Ang eksaktong sinabi ni Kris, “Alden (Richards), I’ve been a fan, I continue to be a fan. And they brought out the best in you. So, ang galing mo.

“Pero Kath, Alden’s fans don’t hate me for sa­ying this – Kath, this is your mo­vie. Congratulations.”

At sa kabuuan ng review ni Kris, talaga namang puring-puri niya ang movie na aniya ay isa raw sa pinakamagandang pelikula ng Star Cinema na napanood niya in all these years.

Pinuri rin niya ang tambalang KathDen kaya in fairness, dapat nang matuwa rito ang mga fan ng aktor.

If ever, ang dapat pa ngang mag-react ay ang fans nina Kathryn at Daniel Padilla for saying that Alden was so perfect with Kath and perfect team-up daw ang KathDen.

Mark Herras may bagong ‘bihag’

Mukhang may bago nang girlfriend si Mark Herras after his breakup with Winwyn Marquez early this year at ito ay ang kapwa Kapuso star na kasamahan niya sa seryeng “Bihag” na si Nicole Donesa.

Nag-post kasi si Nicole ng mga larawan nila sa kanyang Instagram account na very sweet sa isa’t isa at ang caption na inilagay niya ay “Na Bihag”.

Maging ang manager ni Mark na si Lolit Solis ay nagbigay na rin ng pahayag tungkol dito at ani­ya ay natutuwa naman daw siya para sa aktor na nakakuha na ulit ng panibagong inspirasyon.

“Buti naman bago natapos ang Bihag nagkaroon ng inspiration si Mark Herras Salve. Sana nga makatulong si Nicole na sabi ay bago niyang girlfriend para magkaroon ng focus at drive si Mark,” pahayag ni Nay Lolit sa kanyang IG post.

Aminado ang manager/columnist na hindi naging hasang-hasa si Mark bilang aktor hindi katulad ng kasabayan nito sa “Starstruck 1” na naging girlfriend pa na si Jennylyn Mercado.

“Mukha naman bumuti ang performance niya sa Bihag at medyo maayos ang physical appearance niya ngayon. Kasi nga siguro dahil walang focus at drive kaya hindi tulad ni Jennylyn Mercado, hindi gaanong naging better performer or naging hasang-hasa as actor ni Mark.

“Hindi niya nakuha ang depth sa acting na kailangan, tapos for a while naging pasa­way,” patuloy pa ni Nay Lolit.

Pero pinuri naman niya ang alaga na masyado raw mabait to a point na “gene­rous to a fault na”.

“Natural na mabait si Mark, walang inggit sa katawan, generous to a fault, kaya siguro naging stagnant ang career niya.

“This time dapat na siyang maging seryoso, focus, fully driven dahil hindi na siya bata, ulila na siya at walang magiging fallback kung sakali at mawala siya sa limelight.

“Sayang dahil lahat ng opportunities ibinigay sa kanya ng GMA. Mas bumilis lang ang takbo nila Jennylyn at Yasmien Kurdi dahil nga nakita ang mga talent ng dalawa. Ipakita mo na Mark ang ganap na pagbabago, getting older, grow up,” pahayag pa ni Nay Lolit.