Abante Tonite Interactive

Kris ipit sa salpukang Coco, Alden

THIS IS IT

By
2,934

Buong ningning na sinabi ni Kris Aquino na ayaw niyang maipit sa tapatan nina Coco Martin at Vice Ganda kaya hindi siya nag-guest sa MMFF entry ng dati niyang ‘asawa’ last year.

Ganyan din kaya ang stand ni Kris sa napipintong tapatan ng serye nina Coco Martin at Alden Richards? Anong serye ang susuportahan niya?

Very vocal si Kris na crush niya si Alden kung kasing edad lang niya ito.

Abante Hiring – IT dep

Bagama’t wala pang kompirmasyon, matunog ang balitang magbabanggaan ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at ang ‘Victor Magtanggol’.

Malakas din ang laban ng bagong Kapuso serye dahil swak sa panlasa ng masa. Isang ordinar­yong tao na nabigyan ng ekstraordinaryong misyon si ‘Victor Magtanggol’. Marami na nga ang nag-aabang sa pagsisimula ng primetime series ni Alden na mapapanood simula July 30 sa GMA Telebabad.

Si John Estrada ang gaganap na main villain na si Loki. Gaganap ding kontrabida si Kapuso actor Pancho Magno bilang si Modi, ang Norse God of Battle na anak ni Thor. Si Andrea Torres ang Norse goddess na si Sif, ang asawa ni Thor.
Excited na nga si Alden sa nalalapit na pagsisimula ng ‘Victor Magtanggol’. “I’m very happy with the story, with everything about ‘Victor Magtanggol’ and with the cast and the team behind it,” ayon kay Alden.
Ang tanong wala na bang urungan ang tapatan nila ni Coco?

Mary Joy type maging sundalo

Kandidata ng Miss Tourism Philippines si Mary Joy Cantuba. Kinatawan siya ng Taguig.
May sukat na 30-26-34. Nag-aaral siya sa The Fisher Valley College ng General Acade­mics Strand.
“Pangarap ko sa buhay ay makapagtapos sa pag-aaral at maging isang sundalo. Alam kong ito ‘yung trabaho na makakapagpasaya sa akin. Alam kong ito ‘yung magbubuo sa pagkatao ko at mas magiging strong ako,” deklara niya.
Si Anne Curtis naman ang girl crush niyat.
Talbog!

***

Matagumpay na nairaos ang pagbabalik ng Face of The Year Model Search ng sikat na talent manager na si Jojo Veloso. Naganap ang finals nu’ng July 14, Saturday sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza. Ipapalabas ito sa August 5 sa ABS-CBN 2 pagkatapos ng ‘Gandang Gabi Vice’.

Walang nag-ampalaya sa resulta ng winners dahil ang mga judge ay sina Direk Jeffrey Jeturian, Direk Tony Reyes, Direk Neal Tan, Former Face of the year winner, actor & Director Carlos Morales, Line Producer Agnes Valencia, former City winner & successful interior designer Michael Pizarro, 2008 Face of The Year winner Divine Beceril, Internationally, Founder & CEO of Kandi Realty & Former International Model Mark Savino, Member of the Fashion & Design Council of the Phil Ronaldo Arnaldo, Socialite & Entrepreneur Aiza Diuco, Onin Mas of Miss Asia-Pacific contest, Dr. Andy Diokno Marahat of Montage, Viva Artist Agency Assistant Manager Lindsey Warren Dimen, Gold’s Gym Corporate Manager Bench Ortiz, Justice Elvi John Asuncion, Top Stylist Ness Astilla at si Biliran’s Representative Rogelio J. Espina na Chairman of the Board of Judges.

Narito ang mga winner ng Face of The Year 2018.

4th Runner up – Jaymark Sanchez & Jammel Rose Magallano
3rd Runner up – Jounard Valerio & Andrea Anne Marjorie Pama
2nd Runner up – Omar Wency De Bangco & Riza Loren Carillo
1st Runner up – Miguel Villasis & Chula Jo Catana
2018 Model Discovery of the Year:
Bernice Charles Lagunilla & Vhea Marie De Leon Reyes
2018 Face Of The Year:

Polo Laurel & Jeanne Catherine Talania

Nagsilbing mga host sina Robi Domingo & Arci Muñoz.

Ang mga guest performer ay The Brat Boys, Duncan Ramos, Young JV, Ron HenLey, Makata, PH Dancer.