Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris kakasal lang hiwalay na

0 412

Katatapos lang ng kasal ni Kris Bernal kay Perry Choice pero hiwalay na agad sila. Balik-trabaho na agad ang aktres para sa kanyang bagong teleserye.

Sa Instagram story ni Kris ay nagreklamo ito na pagod na pagod na siya.Pero kailangan niyang umalis para sa lock-in taping ng kanyang bagong serye na aabutin ng isang buwan.

“Gusto kong umiyak sa pagod. I’ll have a lock-in taping for a teleserye starting tomorrow and it will last for more than a month. I just started packing but seryoso, pagod na pagod ako,” saad ni Kris sa post.

Pero nagpasalamat naman si Kris sa asawa dahil pinayagan siyang magtrabaho.

“Thank you my hubby for allowing me to accept this teleserye considering that I’ll lock in for more than a month. I’Il see you in November,” sey ni Kris sa isa pang IG Story.

Well, kung tutuusin ay hindi naman need na mag-work ni Kris dahil may kaya naman ang kanyang businessman husband at puwedeng-pwede siyang buhayin.

Vice nalungkot sa wedding nina Anne, Billy, Teddy, Jugs

Inamin ni Vice Ganda na nagdulot sa kanya ng matinding kalungkutan ang isa-isang pagpapakasal ng mga kasamahan niya sa ‘It’s Showtime‘ dahil single pa rin siya.

“Naging trauma sa akin ‘yung kasal n’yo,” pag-amin niya kina Jugs Jugueta and Teddy Corpuz sa “Soundtrip with Jugs and Teddy” podcast.

Umamin din naman sina Jugs and Teddy na talagang napansin nila ang lungkot ni Vice noon . Dahil dito,talagang pinagpi-pray nga raw nila na makahanap na rin ang co-host ng totoong magmamahal dito since wala pa sa buhay nito si Ion Perez that time.

Ayon kay Vice, that time ay hindi na rin daw siya umaasa na magkakaroon pa siya ng forever love dahil nga lahat naman daw ng kanyang nagiging dyowa ay iniiwan siya .Tanggap na raw niyang ‘yun talaga ang kapalaran ng mga katulad niyang bading.

“Unti-unti nang nagsi-sink in sa’kin na impossible yata. Pero mayroon pang manipis na manipis na hibla ng pag-asa na di ko talaga binibitawan, ‘Te, meron to.’ Antayin ko,” aniya.

“Pero unti-unti na talaga akong pinapasok ng lungkot na syet, kinasal na si Teddy, kinasal na si Jugs, kinasal na si Anne (Curtis), kinasal na si Billy (Crawford), kinasal na si ganyan. Na parang hoy, maiiwan talaga ‘ko dito,” dagdag niya.

Ikinalulungkot din niya na nag-iiba na ng title ang mga kasamahan niya like si Anne ay naging housewife na at naging mother na pero siya ay hindi nagbabago.

“Ako, hindi nagbabago ang title ko, comedian ako forever. Gusto ko rin namang maging lover, di ba? Gusto ko ring maging partner. Tapos ngayon, gusto ko na ring maging parent,” sabi ni Vice na ikinagulat ng dalawa.

“Wow, talaga? Totoo?” tanong nina Jugs and Teddy.

“Yeah, kino-consider ko na talaga siya, gusto ko na ring maging parent,” pagkumpirma niya.

Kung dati raw ay wala sa isip niyang magkaroon ng anak, ngayon daw ay iniisip na rin niya ito.

“Kasi dati, ‘no, not my thing.’ Hindi ko kayang mag-alaga ng bata. Tapos eventually nag-grow sa akin ‘yung pagkagusto ko sa bata dahil sa ‘Showtime’, sa mga Star Cinema na ginagawa kong pelikula,” sabi ni Vice.

Natutuwa raw siya sa mga bata at feeling daw niya ngayon ay kaya na niyang maging magulang.

“Ngayon, parang ay kaya ko nang bumuhay ng bata. Feeling ko, I can be a great parent, nararamdaman ko na sa sarili ko ‘yun. Naggo-grow siya sa akin na I think, I can be a great parent, I think, I can enroll a kid to a wonderful school. ‘Yung ganyan,” sabi ng Unkabogable Star.

Pati nga raw ang pagpapakasal ay naiisip na niya ngayon sa dyowa niya syempreng si Ion Perez.

“Kahit naman kasal, eh, di ba, sabi ko, not for me? If my friends or some people in my community want to do it, I support them. Pero ako, not my thing. Hindi ko nakikita ‘yung sarili ko.

“Pero nai-excite na rin ako sa konsepto ng ‘oh my God baka one of these days baka magpakasal ako.’ ‘Yung ganu’n. Nai-excite ako. Lalo na pag nararamdaman ko na ang daming nagsu-support sa love namin sa isa’t isa. Kinikilig ako,” sabi ni Vice.

Tatlong taon na ang relasyon nina Vice at Ion at ayon sa TV host/comedian, napatunayan niya talaga na sincere ang dyowa sa kanya kaya lalo niya itong minahal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.