Abante Tonite Interactive

Kris kay Cong Erice: Mukha kang goons!

1,184

Inihayag kamakailan ni Kris Aquino na mananahimik muna siya sa social media, partikular sa Instagram para hindi ma-stress, pero wala pang isang linggo ay hindi ito nakatiis na magkomento sa ipinahayag ng isang mambabatas laban sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Bagama’t hindi pina­ngalanan, matutukoy na si Caloocan City 2nd District Congressman Edgar Erice ang pinatamaan ni Kris sa kanyang Instagram post kaugnay sa ipinahayag nito na ginawa na nilang asul ang campaign color ni senatorial candidate Mar Roxas para makalayo sa anino ng dating pangulo.
Si Erice ang tumata­yong campaign manager ni Roxas para sa May 13 midterm elections at sinabi nito na kailangang makalayo sa anino ni Aquino para magkaroon ng sariling identity at political brand.

Sinabi pa ni Erice na malaking pagkakamali kay Roxas noong 2017 na nagmistula itong Robin kay Batman (Aquino).

Agad namang ipinagtanggol ni Kris ang kanyang Kuya Noy.

“I LOST MY BRO­THER, KUYA JOSH & BIMB LOST THEIR TITO NOY because of the man now saying through his spokesperson ‘the lesson he learned the hard way from his losing presidential run in 2016: He should never have worn yellow.’ Because a year ago i posted WHY IT WAS SO CLEAR TO ME WHY PRESIDENT DUTERTE WON. And that TRUTH broke us,” ani Kris.

“hindi kami okay ni Noy, pero KADUGO ko sya, nagkalayo man kami, pakitaan sya ng hindi ko masikmurang kawalan ng respeto, when he chose loyalty to that man over forgi­ving me, dahil DISENTE sya at tatahimik-you will read our truth,” ayon pa kay Kris.

Tinawag din nitong “mukhang goons” si Erice.

“Uunahan ko na yung spokesperson, akala ni Rochelle kaibigan nya, mukha syang goons…” ani Kris.

Sinabi pa ni Kris na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinili ng mayorya sa pamamagitan ng ‘democratic right to vote’ na ipinaglaban ng kanilang mga magulang.

“Hindi tayo yung pino-portray, we are not power hungry, we are not sore losers- dahil pinalaki tayo na alam- PAHIRAM lang ang panahon sa Malacañang.