Abante Tonite Interactive

Kris kinilig kina Sharon at Gabby, nagpasintabi kay Kiko

By
0 4,589

MAY congratulatory post si Kris Aquino kay Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account. Binabati niya si Megastar for the McDonalds commercial at touching na kahit hindi niya mabanggit ang name ng food chain dahil kalaban ng kanyang Chowking, she went out of her way para i-congratulate ito.

Ipinost ni Kris ang part ng lyrics ng Kumusta Ka na as we all know ay theme song ng McDo TVC nina Sharon at Gabby Concepcion.

Sa mahabang caption ni Kris, inamin niyang pinanood niya ang TVC nina Sharon at Gabby. Sinabi rin niyang at first ay natakot siyang i-post ito dahil baka may masabi na naman ang mga “negas”.

“Just like all of you I watched @reallysharoncuneta & @concepciongabby’s TVC (11 AM watched it on @youtube)…

“My endorsement & franchise contracts forbid me from mentioning their product but i thought long & hard before posting this (scared because my renewed friendship w/ @reallysharoncuneta might be “challenged” by the “negas” & the “memas”).

“BUT i know she knows my heart much more now, i am getting to know hers, and God knows ours.

“This is a CONGRATULATORY post for someone who deserved her P200+ million hit & now this feel good TVC because from all i am getting to know, she is a genuinely thoughtful, kindhearted, and gene­rous person.

“On how we managed to connect allow us that special bit of privacy. I took this risk because if you cannot ce­lebrate a friend’s success, then this isn’t a fun world to live in,” ang post ni Kris.

Nagpasintabi rin siya sa asawa ni Shawie na si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan dahil sa pagkakaramdam niya ng kilig sa Sharon-Gabby loveteam.

“W/ all due respect to our family’s dear friend @kiko. pangilinan Sharon & Gabby have that 1 in a billion screen chemistry that was just so nakakakilig to watch.

“To my new & beloved Ate: may only more good things come your way i am blessed to have been welcomed into your life,” ang pagtatapos ng post ni Kris.

Nag-like naman si Sharon sa post na ito ni Kris at si KC Concepcion naman ay sumagot ng “so sweet tita Krissy!!! Thank you.”

Matatandaan nang si Kris naman ang bina-bash ng mga tao dahil sa pagkain nila ni Bimby sa bed, ipinagtanggol din siya ni Sharon kaya we guess, their renewed friendship has been going on for some time now at ito rin ang hula ng mga supporters and followers nila.

Katrina: Nakakayaman ang maging kontrabida

DEDMA na lang si Katrina Halili kapag nakakatanggap siya ng pangba-bash dahil sa sobrang pagkakontrabida niya sa mga ginagampanan niyang karakter sa mga teleserye.

“May iba talaga, sobrang ano pag nagalit, ‘di ba? Parang ‘yung personal mong buhay, lalaitin ka talaga, parang isusumpa ka, ganyan-ganyan. Wala, dedma na lang.

“Kasi, pag pinansin mo, parang. Pero kasi, sabi ko nga, ‘yung mga ganyang tao, ‘yan ang mga nanonood talaga, eh, ‘di ba? ‘Yan ‘yung nagpapa-rate sa inyo, eh. Parang papatay ng tao pag ‘di nakapanod, eh. Kasi parang in na in sila sa story.

“So, dedma na lang pag may pangit (na comment) pero mostly, sa labas naman, wala naman akong na-encounter na inaway ako. Kahit before, wala. Gusto nila (ang ginagawa ko),” pahayag ng binansagang La Primera Kontrabida.”

Kontento na ba siyang maging La Primera Kontrabida?

“Nakakayaman, eh,” natatawa niyang sabi. “Nakakatagal ng buhay, charoz! Hindi, ano, do’n may work, eh. ‘Yun ang ibinibigay sa akin. And para sa akin, ‘yung pagiging kontrabida, wala, na-enjoy ko na. Mas masaya nga, eh. Kasi pag bida ka, wala kang ginawa kung di umiyak,” sey niya.

Pero gusto rin naman daw niya ang ibang karak­ter kapag guesting lang tulad sa Magpakailanman, Tadhana and the likes. Hindi raw niya tinatanggap pag kontrabida pa rin dahil sa serye nga raw ay ito na ang role niya.

Muli ay mapapanood ang pagiging kontrabida ni Katrina sa seryeng The Stepdaughters with Megan Young and Mikael Daez na magsisimula na ngayong Feb. 12 sa Afternoon Prime ng GMA-7.