Abante Tonite Interactive

Kris late bloomer ang bumper

802

Level-up na talaga ang hotness ni Kris Bernal. Sa kanyang Instragram account ay ibinalandra ng Kapuso actress ang kanyang makurbang katawan sa suot na one piece swimwear.

Sa mundo ng showbizlandia, kabilang si Kris sa mga aktres na may K at kaabang-abang kapag paglaladlad ng alindog ang pag-uusapan.

Marami rin ang nagtataka sa biglaang pag­lobo ng kanyang mga dibdib, na dati naman ay hindi gaanong pansinin. Marahil, nag-evolve ito dahil sa pagiging fitness freak na rin ng aktres.

Nakapikit si Kris sa mga larawang naka-post sa kanyang Instagram account, na tila baga nina­namnam nang husto ang pagdantay ng malamig na dagat sa kanyang mga paa.

Siya’y nakatingkayad rin dito habang nakataas ang dalawang kamay, marahil para lalong ma-feel ang malamig na hanging duma­dampi sa kanyang katawan.

Sa mga hot blooded na barakong may malikot na imagination, sapat na ang nakapanggigigil na tindig ng dalaga para tumindig din ang kanilang masidhing pagnanasang masilip pa ang kurbada ng katawan ng petite na aktres.

Ang tipo ni Kris ay parang isang putaheng masarap kainin at hindi pagsasawaan kahit araw-arawin pang ihatag sa hapag. Na maisip pa lang ng isang barako kung paano ito lalapangin, tiyak na agad itong maglalaway sa kasabikan. (Nonie Nicasio)