Abante Tonite Interactive

Kris ligwak sa audition

1,358

tonite-imo-vinia-vivar

Ibinalita ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na hindi siya pumasa sa audition niya to be a part of an international TV series at maging siya ay aminadong suntok sa buwan ang kanyang ginawa.

“I got news from @agentchrisleethat my “shoot for the moon” audition for the role in a US series went to an Asian Ame­rican actress,” ang post ni Kris.

Dagdag pa niya, bagama’t hindi boto ang mga anak niya dahil hindi bagay sa kanya ang role, ready siyang mag-take ng crash course para rito.

“Mahirap talaga pag hindi “boto” ang mga anak ko- especially Bimb… the role was for a sassy, sarcastic, sexy bartender (truth, i know- HINDI BAGAY) but i was ready to take a MI­XOLOGY crash course.

“I don’t drink alcohol at all because of my hypertension, anti anxiety, multivitamin, vitamin D and iron supplement, and most importantly the 4 different antihistamines taken as daily maintenance.”
Sa huli ay ipinahayag din naman ni Kris na “it was FUN to try though.”

***

Dennis ‘di luhaan sa Pasko

 

Si Sanya Lopez ang leading lady ni Dennis Trillo sa bagong ser­yeng Cain at Abel at sobrang bumilib sa kanya ang aktor.

“First time ko siyang nakatrabaho at ginulat niya ako dahil alam ko, mga ilang taon pa lang siya sa industriya pero ‘yung pinakita niyang attitude, ‘yung pinakita niyang quality ng trabaho, eh daig pa ‘yung 10-year na veteran kasi parang gagawin niya lahat,” papuri ni Dennis kay Sanya.

So, pumasa si Sanya sa kanya?

“100%” ang sambit ni Dennis.

When asked kung hindi ba niya na­ramdaman na na-intimidate sa kanya si Sanya being a very good actor as he is, ani Dennis, ay wala naman daw siyang ganung naramdaman sa aktres.

“Dumara­ting siya sa set na talagang alam niya ‘yung mga eksena niya, alam niya ‘yung lines niya, kaya ang sarap makatrabaho ng ganu’ng mga artista na talagang preparadong dumarating. Alam niya ‘yung homework niya,” he said.

Napag-usapan nga ‘yung love scene nila na nagawa nang mahusay ni Sanya consi­dering na wala pa itong experience.

“Parang nabanggit pa niya na hindi pa siya nagkaka-boyfriend,” sabi ni Dennis.

“Wala siyang arte sa kahit ano’ng eksena. Natutuwa talaga ‘yung direktor sa kanya. Very pleasant siya katrabaho,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, sobrang excited si Dennis na makatrabaho si Dingdong at, aniya, ay hindi nga raw siya nakatulog nang malaman niyang gagawin nila ang Cain at Abel.

“Bukod sa magandang materyal, magandang proyekto, siyempre kasama ko ‘yung Primetime King na matagal ko nang gustong makatrabaho, matagal ko nang iniidolo at nga­yon, natupad na,” he said.

Bukod sa serye ay may Metro Manila Film Festival movie rin si Dennis, ang One Great Love with Kim Chiu kaya, aniya, ay masaya ang kanyang Pasko.

“Wala na akong ibang mahihiling pa dahil para sa akin, sobrang suwerte na ngayong Pasko, mayroon akong show, and pelikula, sapat na ‘yun,” sey pa niya.