Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris live-in sa dyowa

0 253

NI: VINIA VIVAR

Sinagot ni Kris Bernal ang mga nagtatanong kung nagli-live-in na ba sila ng fiancé na si Perry Choi.

Paglilinaw sa Instagram story ng Kapuso actress, hindi pa naman daw sila nagsasama sa isang bubong.

“To those asking, though we’re already engaged, we’re not yet living under the same roof. Uhmmm, it’s our choice,” pahayag ni Kris.

Dagdag pa ng aktres ay pina-practice nila ng fiancé ang social distancing ngayon.

“Still no hugs, no kisses, and practicing social distancing,” aniya.

Makikita sa larawan na ipinost ni Kris si Perry na naka-face mask na, naka-face shield pa nang magkita sila at tila nasa labas lang ng gate ng bahay nila ang fiancé.

Ipinost din ni Kris ang larawan ni Perry na nasa sasakyan niya at tila paalis na sa bahay nila.

“See you next month,” sabi pa ni Kris sa caption with matching “I love you.”

Matatandaang na-engage sina Kris at businessman boyfriend last February of this year. Tatlong taon na silang magkarelasyon at magkasosyo rin sa ilang negosyo. In her past interview ay nabanggit ng aktres na next year nila planong magpakasal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.