Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris, Lucy, Vilma sa Senado kinakasa ng NPC

0 88

Bigatin ang mga posibleng kandidato ng National People’s Coalition (NPC) para sa pagka-senador sa 2022.

Base sa ulat ng online news site Politiko, halo ng mga beteranong politiko at mga kilalang personalidad ang isasabak ng NPC sa senatorial election.

Pasok umano sa 12 senatorial lineup ng NPC ang mga nakaupong senador na sina Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva at Juan Miguel Zubiri; Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio `Gringo’ Honasan; Batangas Rep. Vilma Santos-Recto; Leyte Rep. Lucy Torres Gomez; Antique Rep. Loren Legarda; Sorsogon Governor Francis Escudero; mga dating senador JV Ejercito; Bam Aquino o Kris Aquino; at ex-Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal.

Pinaniniwalaan na tatakbo sa pagka-pangulo si Pacquiao sa susunod na halalan, ngunit base umano sa source ng Politiko ay posibleng magbago ang isip nito dahil sa kaguluhan sa PDP-Laban.

Hindi pa rin umano nakakausap ng NPC sina Santos-Recto at Kris, ngunit isasama sila sa kanilang lineup sakaling magdesisyon na tumakbong senador.

Samantala, posibleng maging guest candidate ng NPC sina Zubiri at Villanueva, habang hinihimok pa ng koalisyon si Larrazabal na sumubok sa 2022. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.