Abante Tonite Interactive

Kris, Mariel nag-eklayan

819

Ni Archie Liao

Kapwa umani ng batikos sina Kris Aquino at Mariel Rodriguez-Padilla dahil feeling ng mga netizen na nag-eeklayan lang ang dalawa sa social media.

Nag-post kasi si Marie­l ng kanyang pasasa­lamat dahil first time niyang maimbitahan sa isang state dinner ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naikuwento rin niya ang kanyang kakatwang karanasan kung saan pakiramdam niya ay nalabag niya ang dress code sa Malacañang.

Nag-react naman si Kris Aquino sa kanyang na­ging post at nagbi­gay ng kanyang unsolicited thoughts.

Nag-apo­logize pa siya kung bakit hindi niya naimbitahan ang “It’s Showtime” host sa isang proper thanksgiving celebration noon.

Sey pa niya, guilty rin daw siya minsan dahil siya man ay hindi nasunod ang protocol noong nasa Palasyo pa siya.

Na-bash si Mariel dahil sa sinabi niyang worth it daw ang loyalty ni Robin kay Digong at feeling ng mga netizen na na-offend si Kris samantalang si Kris naman ay nagpa-safe sa kanyang mga pabida.

Hirit pa ng mga netizen, deserved daw nina Kris at Mariel ang isa’t isa dahil pareho silang magaling pagdating sa pang-eeklay.(Archie Liao)