Abante Tonite Interactive

Kris, matatagalan pa ang digital show

128

KATATAPOS lang ng bakasyon ni Kris Aquino kasama sina Joshua at Bimby sa Japan.
Hindi lang kami sure kung tumuloy pa sila sa Hongkong.

Ngayong linggong ito ay magsisimula nang mag-tape si Kris ng programang gagawin niya sa APT Entertainment.

Ibang-iba ito sa mga programang nagawa ng Queen of All Media.

Ayaw sabihin ng aming source kung anong format nito, at kung sino ang makakasama niya. May nagsabi kasi sa aming kasama raw niya si Maine Mendoza.

Pero hindi pa ito sure lahat. Basta ang uunahin ni Kris ay itong TV show at ang susunod ay ang digital show na iku-co-produce raw niya sa APT.

Pero medyo matagal pa raw iyun dahil hindi ganu’n kadali ang mag-set-up ng isang digital show.

Ang latest pang narinig namin, hindi pa pala nagkapirmahan ng kontrata between APT at Kris. Ang pinirmahan pa lang daw ni Kris sa APT ay ang Memorandum of Agreement.

Kaya tinanong namin si Kuya Boy Abunda kung nagkaayos na ba ng kontrata.

Medyo tipid si Kuya Boy sa mga sagot niya, pero hindi niya itinatangging napapag-usapan nila ito ni Kris.

Hindi niya itinatangging close siya kay Mr. Tuviera kaya nagkakausap din sila ng tungkol kay Kris.

Hindi pa final ang lahat ng agreement. Kaya mukhang tama ang tsika ng aming source na wala pang pirma­han ng kontrata.

Sabi ng aming source, sakaling magkapirmahan na ng kontrata, malamang na ikokonsulta ito ni Kris kay Kuya Boy.

Ngayong linggong ito ay magkakaalaman na raw dahil magsisimula na si Kris sa APT.

Tonite – Wendys Inhouse Ad