Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris may K kesa kay Korina

0 207

Malakas ang bulung-bulungan sa mga parlor na more chances of winning na si Korina Sanchez-Roxas sa paglipat sa TV5.

Dahil nga umapir ang nanay nina Pepe at Pilar sa lifestyle at showbiz talk show ni Ms. Luchi Cruz- Valdes, one plus equal 21 na agad ang mga dalahira na shoo in na siya sa agresibong network. Baka nga naman kasi mas umariba pa ang PTV4 hindi ba naman? Hahahaha!

Ang kataka-taka sa chikang ito. ang dama at pakiwari ng producer, mas “viable”siyang talent acquisition kesa kay Kris Aquino?

Juice colored! Si Aling Koring nga ba ang pinili nila over Krissy? Sa true lang, kung, what a big pagkakamali ang choice na ito! Bakit kaniyo? Para namang hindi alam ng producer na kinailangan pang ilipat ng timeslot ang “Rated K” nu’ng may Dos pa kasi nga alikabok sa ratings at advertising load ang pinapalamon ng “Kapuso Mo Jessica Soho” sa magazine show niya. Ang nakakaloka pa dati, mas marami pa ang product placements na kunwari ginagawan ng kuwento kesa sa totoong human interests na feature kaya nakakahikab na panoorin.

Don’t tell me ang producer eh bulag, pipi at bingi sa katotohanan na iyan? Maang-maangan school of acting? Walang kamalayan na may pangyayaring ganiyan? Mas viable talaga si tiyang Koring over Kristine Bernadette? Paano nangyari iyun?

Maliban sa paminsan-minsan niyang pagtataray sa kanyang bashers sa social media, handa pa ba tayong mapanood siya?

Sana lang, marahuyo niya ang kanyang mga handa na ba kayo followers at lahat ng mga batang ginantimpalaan niya ng mga tsinelas, eh maenganyong mapanood siyang muli sa telebisyon.

Sa true lang lagi tayo, pera niyo naman ang gagastusin niyo sa inyong Mrs. Roxas viable choice at matatanda na kayo ang for sure you have assess the strengths and counted more opportiunities with hiring a Roxas. Kaya kung totoong may offer talaga, ibalandra na agad para magkaalaman na kung totoo nga ang mga haka-haka at hinuha.

In my book, mas best choice si Kris Aquino kesa kay Korina Sanchez-Roxas. And please, don’t let me count the ways. At iyan ang totoo.

Mocha durog kay Pipay

In fair Verona sa baklang hindi kagandahan na nagngangalang Pipay, nagawa niyang magtrending ag coffee flavor na mocha sa Twitter. Ilang oras rin itong namayagpag sa top spot.

Kung quick witted kayo at alam niyo ang kahulugan ng salitang “sarcasm,” then tiyak na alam niyo na ngayon kung ano at sinong mocha ang kanyang pinarurunggitan sa kanyang kabogerang bidyo.

Feeling ko itong si Pipay, belonging to the flash in the pan sub-group kung saan belong na belong sina Ms. Everything, DJ Loonyo and the rest of the YT discoveries na sa ngayon ay gone with the wind and gone in 60 seconds dahil nga mala-instant mami ang kanilang pagsikat. One day they are all in, and the next day, they are so out because a new oddity has stolen their limelight.

Pag pinanood niyo ang bidyo, tiyak mapapangiti kayo agad sa patama ni Pipay na laced as “Dolomites Cafeteria,” yung may “kinakasal na buwaya” kaya biglang umulan at siyempre ang kanyang kuda why he hates mocha “I hate mocha, it tastes like shit, it looks like shit and overall it’s a piece of shit!” Ay!Palakpakan na may kasamang sigawan for the baklang tuod!

Of course, puwede naman niyang itanggi na si Mocha ang pinarurunggitan niya. Karapatan naman niya iyon. Pero ning, pangatawanan mo na ang pagiging savage mo Pipay. Alam naman nating for the time being lang naman ang atensyon na iyan kaya enjoyin mo lang. (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.