Abante Tonite Interactive

Kris may nilulutong sorpresa

By
1,206
Nami-miss na si Kris Aquino ng kanyang mga follower sa social media dahil tatlong araw na siyang walang bagong post. Sa huli niyang post ay nagpaalam naman siya at nag-abisong time out nga muna siya sa socmed.
Tila may nilulutong sorpresa si Kris sa kanyang mga tagaha­nga dahil sa quote card na ipinost niya ay nakalagay na “I’ve always loved the idea of not being what people expect me to be.”
Sa caption ay sinabi niyang hanggang hindi raw napipirmahan at naa-achieve, magiging inactive muna siya at quiet na lang muna.
Pero nilinaw niya ring wala raw dapat ipag-aalala ang mga nagmamahal sa kanya dahil hindi naman daw ito tungkol sa health.
“The GIFT is to make it seem effortless… so until everything is signed, sealed, and achieved- this IG feed will be inactive (fyi this is the only platform i asked my team to give me 100% control of, so this is ME at my most real)…
“I’m finally learning when people don’t know your next move, they won’t know what to attack; but i also know when days pass w/ absolute quiet from me, some of you who genuinely care about me worry- most especially because i’ve been open about my health challenges…please rest your minds- i’m in a secure place in my life… that’s why i’m comfortable enough to enjoy the peace that silence can bring, and i shall let my next chapter surprise all of us. with love & appreciation, KCA,” ang post ni Kris.
Sa comment section ay marami ang nagpahayag ng kanilang pagka-miss sa Queen of All Media at hinihintay na nila ang next post nito.
***
Pagpatay ni Mon laging tinatanong
Si Mon Confiado pa rin ang gumaganap na Gen. Emilio Aguinaldo sa pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” na una niyang ginampanan sa historical film din na Heneral Luna 3 years ago under the same production (TBA Studios) and director (Jerrold Tarog).
Ayon kay Mon, malaki raw ang pagbabago sa buhay niya simula nang gampanan niya ang papel ng nasabing bayani.
“After ng ‘Heneral Luna’ lagi kong naririnig, ikaw ba talaga ang pumatay o ang karakter mo ba ang pumatay kay Heneral Luna?’ Pero ‘yung kagandahan doon kahit na tinitignan nila as kontrabida si Presidente Emilio Aguinaldo, after nilang itanong ‘yan, sinasabi nila ‘puwede bang magpa-picture?’ So may konsuwelo.
“Ang sinasabi ko nga palagi, ang point of view ko kasi sa pagganap ng President Emilio Aguinaldo ay point of view lagi ng artista. Siyempre hindi ko siya puwedeng tingnan na kontrabida sa pelikula o masama,” paha­yag ni Mon sa presscon ng Goyo: Ang Batang Heneral na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.
Sa Goyo ay iba naman daw ang makikita sa karak­ter niya.
“Dito sa Goyo, mas ipapakita ‘yung human side ni President Emilio Aguinaldo, ‘yung pinagdadaanan nila. Nasa sa atin kung maiintindihan natin kung ano ang sitwasyon o kalagayan ni Presidente Emilio Aguinaldo dito sa Goyo,” sey pa ng character actor.
Dagdag pa ni Mon, mas malaki raw ang role ni Agui­naldo dito sa Goyo kaysa sa Heneral Luna kaya mas maiintindihan na raw siguro ngayon ng mga tao ang nasabing bayani.
“Para sa akin, mas malaki ‘yung role niya dito. Mas malaki ‘yung ipinakita ng pelikula tungkol kay Emilio Aguinaldo dahil paborito niyang heneral si Goyo. Most of the time magkasama sila mula sa pagiging heneral­ niya at pagtakas nila, ‘yung mga experience nila. Sa palagay ko mas maiintindihan natin ang pagka-presidente ni Emilio Aguinaldo rito,” saad ni Mon