Abante Tonite Interactive

Kris mukhang luka-luka na

21

MALAPIT na raw maging bipolar si Kris Bernal, na siya niyang joke sa sarili kaugnay sa pinoste niyang mga on-set scenes sa umeere niyang drama series sa GMA 7, ang Impostora.

@prettylooksph kind of day 🌸

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal) on

Dalawang short video na kuha sa taping ng kanyang show ang pinoste ni Kris sa kanyang Instagram wall. Ang isa ay may hawak siyang sinturon at habang nagda-dialogue siya pinapalo niya ang kahoy na kama sa harap.

“Malapit na talaga akong maging bipolar. Just kidding #impostora #Trivia101 #DualCharacter.”

Ang isa naman ay bumaba siya sa sasakyan at nagdada-dialogue nang wala siyang kausap o kabatuhan ng linya. Sa nasabing serye ay dalawa ang katauhang ginagampanan ni Kris na kung hindi pamilyar ang sinumang manonood sa ganitong camera-trick, aakalaing may kakambal nga ang aktres.

Ang posting na ‘yon ni Kris ay para ipakita at ipaalam sa kanyang mga fans kung paano kinukunan ang confrontation scene nila ng kanyang kamukha.

“Sa mga nagtatanong: Paano naghaharap sina Nimfa at Rosette? One scene of confrontation takes almost two hours. At sa totoo lang, wala akong kausap o ka-eksena. Puro imagination lang. Bawal umalis sa puwesto. Steady lang para sa framing#Trivia101 #Nimfa #Rosette #DualCharacter #StruggleisReal #Actorslife.”

Siyempre, pinupuri si Kris ng kanyang fans sa husay niyang umarte kahit wala naman siyang kaeksena. Ang hirap nga naman ng ganu’n na halos luka-luka na ang dating mo.

Christine baliw kina Lee Min Ho at Gong Yoo
‘Walang basagan ng trip!’

NATUPAD ang pangarap ni Christine Bersola-Babao na magkaroon siya ng dedication mula sa kanyang mga ina-idolize na Asian actors para sa kanyang birthday. Naka-post sa Instagram ng misis ni Julius Babao ang personal dedication video greetings sa kanya nina Lee Min Ho at Gong Yoo.

Una munang mapapanood si Lee Min Ho na nagpasalamat muna kay Christine sa pagbibigay oras nito sa panonood ng kanyang mga K-drama series. Sa kanyang huling mensahe sinabi nitong ‘Gorgeous inside and out’ ang dating TV host.

Sumunod naman ay si Gong Yoon na tinawag na ‘friend’ si Christine at nagpasalamat din sa panonood nito ng kanyang mga teleserye at pelikula. Inimbitahan ni Gong Yoo si Christine na bumisita sa Korea ng summer at siguradong mae-enjoy nito ang cherry blossoms.

Siyempre in Korean ang pagbati nila kay Christine, pero may English subtitles ito para maintindihan. Isa raw sa mga best birthday gifts ito, para kay Christine.

“One of the best b-day gifts I got was this! Hahaha. Made me so happy & kilig. Made me LOL. Yezz Min Ho, I’m gorgeous inside and out! Yezz Gong Yoo, I will visit Korea someday and pay you a visit!  Thank you @bengyaneza for this! Sakay lang! Walang basagan ng trip. Kakaaliw talaga e.”Aminado naman si Christine na K-drama addict siya.