Abante Tonite Interactive

Kris, Nadine, Maine, Anne mainit ang salpukan sa MMFF

0 396

Opisyal nang inanunsiyo ang unang apat na entries para sa Metro Manila Film Festival 2019. Ang naunang apat na pelikula ay pagbibidahan nila Maine Mendoza, Nadine Lustre, Vice Ganda at Kris Aquino.

Una na ang Ampon ng Quantum films na pagbibidahan nina Derek Ramsay at Kris Aquino. Nandiyan din ang Korean-adaptation film na Miracle in Cell #7 na gagampanan nina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa ilalim ng Viva Communications Inc.

Sa ikalawang pagkakataon ay magsasamang muli si Vic Sotto at Maine Mendoza sa Mission Unstapabol: The Don Identity sa ilalim ng APT Entertainment Inc.
Samantala, magsasama ang Unkabogable star na si Vice Ganda at Anne Curtis.

Pagbibidahan nila ang ‘Momalland’ ng ABS-CBN Productions Inc. at Viva
Films.

Ang susunod na apat na entries ay pamimilian sa mga yaring pelikula hanggang September 20 ngayong taon. (Ronaline Avecilla)