Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris nagpagamot sa ospital ng mga bilyonaryo

0 153

NI: CRISTY S. FERMIN

Ang mga kababayan nating dekada nang nagtatrabaho-naninirahan sa iba-ibang lugar sa Texas ay puro Marites din ngayon sa pakikibalita tungkol kay Kris Aquino.

Dahil sa social media ay alam nila na nasa Houston ngayon si Kris para sa kanyang pagpapagamot, pero walang nakakaalam kung saang ospital siya naka-confine, kaya nagtatanungan sila ngayon kung saan nila matutunton ang kinaroroonan ni Kris.

Sabi ng isang nakausap naming anak-anakan na nagtatrabaho sa Dallas, “Mas pinili ng grupo naming dito magtrabaho sa Dallas, kasi, mas mababa ang gastos dito. Sa Houston, napakalaki, pinakamalaking city kasi ‘yon sa Texas.

“One more thing, may history ang Dallas na hindi makakalimutan ng buong mundo. Dito pinatay si President John F. Kennedy, nandito pa rin ang apartment kung saan pumuwesto ang sniper during his motorcade.

SM food to go Banner Ad

“Alam mo ba na ‘yon ang una naming ginawa when we got here in Dallas? Nagpa-picture kami sa tapat mismo ng apartment!” makabuluhang kuwento ng aming kausap.

Totoo palang nasa Houston ang pinakamalalaking ospital, magagaling din pero mas maliliit ang ospital sa Austin, San Antonio, Galveston, Fort Worth at Dallas.

Alinman sa mga ospital sa Houston ang pinagpapagamutan ngayon ni Kris Aquino ay siguradong matutugunan ang kanyang kailangan sa paggaling dahil sila ang nangunguna at dinadayo ng mga bilyonaryo sa buong mundo.

“I can just imagine kung magkano ang magagastos ni Kris sa pagpapagamot niya. Two years? Napakalaking gastusan ‘yon! Pero kaya niya naman ang gastos, bilyonaryo ang family niya, we just wish her the best,” komento ng aming anak-anakan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.