Abante Tonite Interactive

Kris nakiramay kay Rayver

370

tonite-imo-vinia-vivarKitang-kita pa rin ang bigat ng kalooban ni Rayver Cruz sa pagpanaw ng kanyang inang si Beth Cruz sa mga Instagram posts niya.

Sa kanyang IG stories ay nag-post si Rayver ng mga photo ng happy time nila ng mommy niya at ramdam na ramdam mo sa kanya ang labis na pagdadalamhati.

Ipinost din ni Rayver ang ilang lara­wan ng mga kaibigan na nakiramay sa kanya at siyempre, isa na rito ang kanyang “Asawa Ko Karibal Ko” family, his ongoing drama series sa GMA-7.

Nag-post din ng pakikiramay sa kanya ang leading lady sa AKKK na si Kris Bernal.

“We pray that God will grant you the peace and strength that you need to get through this. . . We love you @rayvercruz @rodjuncruz,” ang post ni Kris sa kanyang IG story.

***

‘Di nagpaalam kina Sharon, Gabby: KC nagpa-DNA test

Ini-reveal ni KC Concepcion last Tuesday (Chinese New Year) na kailan lang daw niya nalaman na may lahi rin siyang Intsik.

“So I recently found out from a DNA test in the States that I’m 10% Chinese…

“As Filipinos, history shows that a lot of us have ancestors not only from Spain, Portugal or the Iberian countries but also from Taiwan. Here’s to celebrating with our friends from the vibrant Chinese community!” ang post ni KC sa kanyang Instagram.

May nag-comment na kaya raw pala siya business-minded ay dahil may Chinese blood siya.

Hindi naman nilinaw ng dalaga ni Sharon Cuneta kung para saan ang DNA test na isinagawa niya.