Abante Tonite Interactive

Kris napikon sa regalo kay Sharon

3,608

tonite-imo-vinia-vivarIkinapikon ni Kris Aquino ang comment ng isang netizen na nagbigay siya ng gift kay Sharon Cuneta at baka ma-bash na naman daw siya’t masabihan for publicity lang ito.

“What gift are you tal­king about???” ang balik-tanong ni Kris sa netizen.

Patuloy niya, “Buti ka pa alam mong may gift akong pinadala. 2nd what makes you think that the opinion of bashers would have an effect on my generosity?”

Ayon pa kay Kris, kung sakali ay pera naman daw niya ang ipinambibili niya kaya wala siyang pakialam.

“Kung may gusto akong padalhan ng anything – since pera ko naman na pinaghirapan- super care bears.

“Those who hate me will always choose to see the bad in me, in anything I do- but guess what I can also choose to live my life in the way I know is best for me.

“I have a new life motto- if they cannot say it to you in person, why take it personally? So that pretty much sumps up my feelings- if you aren’t my Ate, and you aren’t my 2 sons- save your breath.

“And now I shall follow my doctor & REST,” ang pagtatapos ng sagot ni Kris.

Well, wala namang masama kung may gift man si Kris kay Sharon dahil magkaibigan naman sila. Kaya hindi naman dapat gawing big deal talaga.

Aljun, Prinsipe ng Manobo na mahirap ang buhay

Sobrang inspiring at nakaka-amaze ang kuwento ng buhay ni Aljun Cayawan, ang kauna-unahang Manobo na nagkaroon ng product endorsement.

Si Aljun, also known as Datu A­gong ay Prinsipe ng Manobo Agusanon Tribe sa Agusan del Sur. Siya ang pinakabagong brand Ambassador ng Megasoft Hygienic Products, Inc.

Sa press launch ng 25 anyos na binata na ginanap last Saturday, ikinuwento niya ang kanyang pinagdaanang hirap noong bata pa. Na hindi komo Prince siya ay mayaman siya.

“I am a prince of Responsibility and not a prince of wealth,” ito ang isa sa unang-unang nilinaw niya.

Lumaki si Aljun na walang magulang dahil maagang naghiwalay ang parents niya at naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola na si Bae Agong na pinuno ng kanilang tribo.

Kuwento niya, napakahirap ng buhay nila noon at talagang pumapasok siya sa school na naglalakad lamang. Dalawang ilog ang tinatawid niya makapasok lang sa eskuwelahan.

Halos sumala raw sila sa pagkain at masaya na sila kapag may isang tasang bigas sila para makain.

Ang laging laman ng dasal nila ay magkaroon daw sana sila ng isang tasang bigas araw-araw.

Dahil sa tiyaga, talino at determinasyon ni Aljun ay na­ging scholar siya throughout his school years.

Nakatapos siya ng Computer Secreratarial dahil kumanta siya ng You Raise Me Up sa harap ng may-ari ng Agusan Business Foundation at binigyan siya ng vocational course scholarship.

Pero sinikap pa rin niyang makatapos ng Busines Administratiaton sa Arellano University bilang scholar ulit dahil naging swimmer siya at president ng school corale.

Bata pa siya ay mahilig na siyang kumanta at kung saan-saang singing contest na siya sumali.

Ito rin ang naging daan kung bakit niya nakilala si Aileen Choi-go, Megasoft VP for Sales. Sumali siya sa 2018 World Championship of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Long Beach, California.

Nang umuwi sila sa Pilipinas, isa si Aljun sa nawalan ng gamit sa airport at isa si Aileen sa tumulong sa kanila.

At doon na nga nagsimula ang pagbabago ng buhay ng binata dahil after that ay kinuha na siyang endorser ng Megasoft dahil isa si Aileen sa naniniwala sa talento at adbokasiya ni Aljun.

Ngayon ay isa na ang binata sa lu­malaking pamilya ng Megasoft along with Myrtle Sarrosa, Jolina Magdangal, Ryle Santiago and Young JV Kapunan.

Parte na rin siya ng 2018 Megasoft School is Cool Tour at sa Oct. 9 ay magpe-perform siya sa Oroquetta City, Misamis Occidental.