Abante Tonite Interactive

Kris nasaksihan ang hirap sa isla

1,357

NI: RONA RONDA

Walang pag-aalinlangang tumulong si Kris Aquino sa Puerto Galera .Nasaksihan niya ang hirap ng mga naninirahan sa isla. Halos kalahating buwan na rin kasi silang nakatira sa probinsya kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Batid ni Kris ang natutulog na turismo sa Puerto Galera dahil ngayon ang peak season. Kaya tila naging instrumento umano siya para masaksihan ang buhay probinsya ng nasabing lugar.

Aniya, “Ang mga residents may mga maliit na taniman ng gulay sa kanilang mga bahay pero walang palayan na malapit, kaya mahalaga talaga ang supply ng bigas.”

Kaya naman nag-donate si Kris ng 25 kaban ng bigas para ngayong linggo. Labis naman umano ang pasasalamat sa kanya ng Mayor ng probinsya.

Kwento pa ni Kris mas totoo umano sa pakiramdam niya ang tulong na nagawa niya dahil wala na sya sa mundo ng showbiz at politika.

“Paulit ulit ako laban nating lahat ito at importanteng magtulungan sa abot ng makakaya. Hindi ko rin naman kayang maging panatag ang loob dahil lang okay kaming tatlong mag-iina, habang napakaraming naghihirap, kaya nagsusumikap na makaambag kahit papaano. I was never raised to be selfish, I was always taught to SHARE,” paliwanag pa niya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad