Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris natsismis magiging lola na

0 302

NI: ARCHIE LIAO

Umalma ang kilalang movie columnist at talent manager na si Ogie Diaz kaugnay ng isang balita na naiulat sa isang Youtube entertainment channel.Naitsika na nakabuntis umano ang anak ni Kris Aquino na si Joshua.

Sa naturang video, ibinalita rin na ikakasal na rin daw ang panganay ng Queen of all Media.

Ayon pa sa nasabing balita, si Kris umano ang bahala sa gastos sa kasal at maging sa bahay na titirhan nila.

Sa kanyang vlog, hinimay ni Ogie kasama ang co-host nitong si Mama Loi ang content ng nasabing video at inalmahan ang umanoý pag-iimbento ng mga isyu ng nasabing vlogger para lamang mapansin ang kanilang content.

Ilan sa mga pinuna ni Ogie ay ang mga detalye ng nasabing balita na wala man lang ebidensiya o basehan.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa walang pangalan nabanggit tungkol sa babaeng nabuntis at pakakasalan ni Josh, wala ring detalye kung paano nangyari ang lahat.

Ang ipinakikita lang dito ay litrato ni Josh at ng yaya nitong si Bincai na siyang featured sa video.

Sey ni Ogie, huwag daw sanang linlangin ang publiko dahil sa pagkakalat nito ng fake news.

Bilang isang showbiz news reporter, nagpayo rin si Ogie sa mga netizen na maging mapanuri sa kanilang mga nababasa o napapanood online at tiyaking may mga pruweba bago maniwala.

As of this writing, wala pang reaksyon si Kris tungkol sa fake news sangkot ang kanyang panganay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.