Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris nilihim kung saang ospital nagpapagamot

0 101

NI: CRISTY S. FERMIN

Maraming Pilipinong naninirahan-nagtatrabaho sa Texas. Kalat-kalat din ang mga doktor at nurses na Pilipino sa isa sa pinakamayamang State sa Amerika.

Pero wala silang alam tungkol sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Houston, napapanood lang nila sa mga vlogs na nandu’n ang TV host, nakiki-Marites din ang mga kababayan natin.

May isang kaibigang nurse kami na sa Dallas, Texas nagtatrabaho nang ilang dekada na ngayon, ang kanyang sabi, “I’m working in Dallas (Baylor Scott And White Hospital), three hours away from Houston.

“We don’t have any clue kung saang hospital siya confined. May usapan na sila ng hospital, dahil dito, we have what we call HIPAA, it’s the right of every patient to be protected from their condition, diagnosis and treatment.

SM food to go Banner Ad

“It’s mandated by the Federal law, unless the patient will purposely divulge about her condition. We’re clueless,” paliwanag ng aming kaibigang nurse.

Kung kilala nga natin si Kris Aquino ay sa kanya mismo manggaling ang mga detalye kung nasaang ospital siya at kung ano na ang nagaganap sa kailangang-kailangan niyang gamutan.

Hindi manggagaling sa iba ang kuwento, sa kanya lang, para detalyado ang mga nagaganap sa kanya sa isang ospital sa Houston, Texas.

Nagsisimula na siguro ang proseso ng gamutan kaya wala pang post si Kris Aquino, pero oras na umayos na ang kanyang kundisyon, asahang ilalabas na niya ang balita para hindi mag-alala ang kanyang mga tagasuporta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.