Abante Tonite Interactive

Kris nilindol sa Japan

632

Nagbabakasyon ngayon sa Japan ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby. Ibinahagi pa nila ang kanilang “Japan Trip” sa kanilang YouTube vlog.

Habang nasa kasagsagan ng kanilang bonding trip ay nagkasakit si Bimby kaya kinailangan pa niyang papuntahin ang katiwala mula ‘Pinas hanggang Japan.

Hindi umano kasi tumatalab ang mga gamot ng Japan kaya naman sa kanyang pagpa-panic ay pinadala niya ang iba’t ibang klase ng medisina mula ‘Pinas.

Hindi lang ito ang labis na nagpakaba kay Kris, dahil habang namamalagi sa Japan ay nakaranas sila ng lindol.

Kuwento niya sa kanyang vlog, “Earlier, kanina, there was an earthquake, and it was really weird, they’re so used to it here, that even na … the earthquake was parang very strong, kung yung last time, I was very chill about the whole thing, this time I was saying ‘Oh My God, Grabe, this earthquake is whoah’.”

Matatandaan na noong lumindol sa ‘Pinas ay nag-viral ang reaksyon ni Kris.
Ang labis na ikinataka umano ng aktres ay parang normal na umano sa mga tao doon ang makaranas ng lindol.

Aniya, “They did not react, walang evacuation or anything, but the whole place was shaking and all. And sabi ko ‘bakit ganito? why is this happening’ and no one is reacting and no one is calling us.”

Sa sobrang panic ni Kris ay tumawag umano siya sa ‘Pinas at kinausap ang kanyang kapatid at mga kamag-anakan. Ikinuwento pa niya ang kanyang pagiging emosyonal habang nangyayari ang insidente.

Bunga ng kanyang panic attack ay tumaas ang kanyang blood pressure at nahilo sa matinding yanig na naranasan.

Ibinalita naman ni Kris na ligtas silang mag-iina. Aniya, “Anyway, we’re alive, we’re safe, God bless you all.”

Sa ngayon ay nananatili pa sila sa Japan at inaantay na maka-recover si Bimby bago bumalik ng bansa. (Ronaline Avecilla)

Tonite – Wendys Inhouse Ad