Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris pinatawad ni Noynoy

0 183

Labis na ipinagpapasalamat ni Kris Aquino na bago pa man pumanaw ang kapatid na si former President Noynoy Aquino ay napatawad siya nito.

Humarap si Kris sa media last Thursday night matapos ma-cremate si PNoy sa Heritage Park sa Taguig City.

Naging emosyonal ang Queen of All Media habang nagbibigay ng panayam tungkol sa yumaong kapatid.

“I wish I could say more. The only thing I can say and this is the only thing I will say – God blessed me because we have made our peace. But that is private and I would like keep that for myself.

“But I’m so grateful na binigay ‘yun sa akin. At nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako. And to the end, ang itinuring niya sa akin ay ako ‘yung kanyang bunso,” pahayag ni Kris na umiiyak.

Hindi naman inililihim sa publiko ni Kris noon pa ang estado ng relasyon nila ni PNoy at sa tuwing may rift sila ay lagi niya itong inaamin, being an honest person as she is.

Sa nasabing panayam ay sinabi rin ni Kris kung ano ang pangakong binitiwan niya kay PNoy.

Pinangako ko sa kaniya na gagawin ko ang lahat to just be even 1% of what he is as a man and as a Filipino,” she said.

Samantala, inanunsyo rin ni Kris na ngayong Sabado sa Manila Memorial Park sa Paranaque, katabi ng kanyang yumaong magulang na sina former Senator Ninoy Aquino and former Presidente Cory Aquino.

Gabby TikToker na dahil kay Sanya

Masayang-masaya sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na sa kabila ng kanilang malaking age difference ay naging matagumpay ang kanilang tandem sa serye nilang First Yaya.

Ayon kay Sanya ay hindi nga rin daw siya makapaniwala na mamahalin ng manonood ang kanilang tambalan.

“Honestly po, talagang na-surprise ako,” ani Sanya sa ginanap na finale mediacon last Thursday.

“Siguro, dahil na rin, kaya naging ganu’n ang nangyari sa chemistry namin, malaking bagay po talaga ‘yung naka-lock in kami kasi mas nakilala namin ‘yung isa’t isa.”

Bukod dito, napakagaan din daw katrabaho ni Gabby.

“Working with Mr. Gabby Concepcion naman, hindi naman ganu’n kahirap, eh, kasi kaya niyang mag-adjust, kaya niyang makibagay sa ‘yo. So, kahit sino pa ‘yung i-partner sa kanya, I think, magkakaroon din naman ng chemistry,” sey ni Sanya.

At siyempre raw, malaking tulong din daw ang direktor nilang si LA Madridejos.

Halos ganu’n din ang pahayag ni Gabby. Aniya at napakagaan din daw katrabaho ni Sanya.

“Kahit sino sa set, kasundo siya. Hindi siya mahirap katrabaho. Kaya maski konti lang ang age gap namin, eh okay lang. Tinuruan pa niya akong mag-Tiktok. Yan, sila nina Cupcake, sina Kakai (Bautista), kung paano sumayaw at nagsasama kami sa break namin. Bago matulog, konting kwentuhan, kaya siguro na-break ‘yung ice.

“Saka ‘yung lock-in talaga, malaking bagay,” ani Gabby.

Pero aminado rin si Sanya na natakot siya at first na ma-misinterpret ng ibang tao ang closeness nila ng leading man.

“Behind the camera, talagang sobrang close namin. Minsan nga, natatakot ako na baka minsan, mamisinterpret din ng iba. Yung closeness naming lahat, iisa lang din naman, ganu’n din kami sa lahat, eh,” sey ng aktres.

Sey naman ni Gabby, hindi raw niya kinakitaan ng angas si Sanya kahit sa una pa man nilang pagkikita.

“Kung minsan kasi, ‘yung mga bagong artista, meron silang konting angas. Hindi ko naman nakita sa kanya ‘yun. Nung umpisa pa lang, nakita ko na na madali siyang kasama,” sey ni Gabo.

Simula sa Lunes ay finale week na ng First Yaya at nagpapasalamat ang buong cast sa pangunguna nina Gabby at Sanya sa lahat ng sumusubaybay sa serye for making it a big success.

Leave A Reply

Your email address will not be published.