Abante Tonite Interactive

Kris at Rafael gusto nang magka-baby

By
4,985

BAKIT kaya baby ang ipino-post ng dalawang bida ng Impostora na sina Kris Bernal at Rafael Rosell? Ang ganda ng post ni Rafael sa kanyang IG account kahapon bitbit ang cute na baby ni John James Uy.

Sabi niya, matagal na raw niyang ‘di nakikita ang naturang baby na tiyak kapag nakita raw niya uli, tiyak na iba na ang itsura ng bagets.

Sabi pa niya: “I’m not yet a parent but I can only imagine through my parents eyes how it must’ve been seeing time just fly by. Treasure life. Treasure the moments. Stop. Breathe. Look around. Be. Here. Now.

“I believe that’s the most important mission in life. To be here fully, and express totally. To be the greatest version of yourself and create the life you want. With great responsibilities comes great power.”

Bahagi iyun ng mensaheng itinag niya kay John James Uy at Alisa Sazonova.

Ang ganda ring tingnan ni Kris Bernal sa mga ipino-post niya sa kanyang Instagram account kasama ang pamangkin niyang si Justin.

Bahagi iyun ng KB Diaries niya na kung saan yaya/ninang daw siya nu’ng araw na iyun.

Bagay na bagay na nga sa kanya at sa personality niya ang maging isang mommy, lalo pa at selfless siya at sobrang dedicated.

Parang role lang niya as Nimfa sa Impostora na talaga namang laban kung laban para sa mga anak ni Homer (Rafael Rosell).

Kitang-kita kay Kris ang pagiging passionate kaya sana nga magka-baby na rin siya. Kailan na nga ba ‘yan Kris? Abangan na lang natin ‘yan!

Jameson lalayas na sa Showtime?

PAGKATAPOS maipalabas ang Haunted Forest na entry ng Regal sa MMFF, ngayon lang daw talaga nag-sink in kay Jameson Blake na artista na siya dahil ang dami raw nag-react at natutuwa sa pagkasali niya sa isang pelikulang entry sa taunang film festival.

Dati raw kasi ay wala raw sa isip niyang may talent pala siya, iyung nakakaaarte pala siya. At sa dami ng mga pelikulang nagawa niya, nakitang nakakaya niyang umarte. Nagka-award na nga siya sa Cinema One Originals, ‘di ba?

Kagaya nitong sa Haunted Forest, isang probinsyano ang role ni Jameson kaya medyo hirap siya sa pagta-Tagalog.

Pinag-aralan daw niya nang mabuti at kahit paano ay nagampanan naman niya kahit nahahalata ang punto niya sa pagda-dialogue.

Malaking bagay daw ‘yung paglabas niya sa Haunted Forest na nalagpasan niya ang takot niyang magsalita ng deretsong Tagalog. Kaya tumaas talaga ang confidence niya.

Kagaya nitong Mama’s Girl ng Regal na isang rocker ang role ni Jameson at ibang-iba rin sa karakter niya. Kasama ni Jameson dito sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, at Sylvia Sanchez na dinirek ni Connie Macatuno.

Ngayong napatunayan na ni Jameson ang pagiging artista, puwede na talaga siyang magsolo at umalis sa grupog Hashtag, pero tila wala sa isip ni Jameson ‘yon.

“As long as okay naman sa management ang Hashtag, sa Showtime na okay naman sa kanila na kaya kong magdalawa, okay naman sa akin.

“Pero mas gusto kong Hashtag pa rin ako eh, kasi dun ako nag-start eh. But when the time comes you know…everything is temporary…I have nothing to say as of now.

“Whatever happens.”

Sa January 17 na ang showing ng Mama’s Girl, na bale opening salvo ng Regal Multimedia sa 2018.