Abante Tonite Interactive

Kris sarado na ang ig, fb, twitter

518

ni Ronaline Avecilla

Tuluyan nang isinara ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang social media accounts. Ito ay matapos niyang ianunsiyo noong nakaraang linggo na mamamahinga muna siya sa paggamit ng mga ito.

Paliwanag niya, magpapagaling muna siya sa lahat ng kanyang karamdaman at magbabalik bilang mas pinatatag na Kris Aquino.

“Back as soon as i HEAL … Stronger, Braver, Wiser, Kinder and BETTER,” aniya sa kanyang pamamaalam sa Instagram.

Ang awit ni Leona Lewis na “Better In Time” ang napili niyang background music sa nasabing post. Ipinaliwanag din niya sa caption kung bakit ito ang kanyang napili. Aniya, “This song isn’t about a single individual, it expressed my accepting the need to let go of what had always been my one great love – the passion I had for my craft, and my being my father’s daughter, the happiness I felt working in the field that required being in the public eye… that’s why I could take the trolling & bashing (just not the fake/made up stuff)- because this life was my CHOICE.

“But my sons deserve to have the most significant VOICE.

“And they want a healthy mama, no drama, straight from my heart, I’ll miss you… like crazy.”
Sa ngayon ay deactivated na ang kanyang Twitter, Instagram at Facebook accounts.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-deactivate si Kris dahil nitong April 9 ay nagpahinga rin siya sa social media. Subalit matapos ang anim na araw ay muli rin niya itong binuksan.

Napilitan niya umanong buksan ang account para ipagtanggol ang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino mula sa paninisi ng campaign manager at spokesperson ni Mar Roxas na si Edgar Erice mula sa pagkatalo nito sa 2016 Presidential Elections.

Ang tanong, magtatagal kaya ang pagla-lie low ni Kris sa socmed o bibilangan lamang siya ng araw bago niya ito muling gamitin?