Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris sinalo ni Willie

0 1,248

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos maunsyami ng show ni Kris Aquino sa TV5, wala nang pipigil pa sa dating presidential sister para magbalik sa telebisyon.

Kung tutuusin, marami na ang nakaka-miss sa tinaguriang Queen of all Media na magbalik sa limelight at mapanood sa isang talk show.

Kumpara kasi sa ibang talk show hosts, matalino si Kris, may gift of gab at kayang-kayang magkeri ng anumang conversation sa kahit anong topic.

Kahit nga may pagkataklesa siya, tanggap ito ng mga followers niya dahil bahagi iyon ng personalidad ng TV host, endorser at aktres na niyakap nila.

SM food to go Banner Ad

Maaalala ring kahit noong ginugudtaym ni Willie Revillame sa kanyang show si Kris, nakita ng viewers ang kanilang chemistry.

Noong kasagsagan ng pandemya, ang Wowowin host din ang tumulong kay Kris at sa mga anak nito para manatili sa Puerto Galera sa pamamagitan sa pagsundo sa chopper ng una.

Bilang bagong brand ambassador ng isang shopping online na kapartner ni Willie sa kanyang “Tutok to Win,” hindi na kataka-taka kung sakaling maging katuwang ng TV host at businessman ang dating reyna ng talk shows.

How true na nilakad ni Willie na maging ambassador si Kris ng naturang online shopping?

Hirit naman ng kibitzers, kung papasok ni Kris sa show ni Willie sa anumang kapasidad, hindi kaya mabuo ang bagong love team?

Matatandaang dati nang naging tampulan ng tukso ang dalawa nang magbiro si Kris noon tungkol sa umano’y panliligaw sa kanya ni Willie. Ayon sa kanya ay natatanging lalakeng tanggap ng kanyang mga anak na maging padrasto nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.