Abante Tonite Interactive

Kris sumawsaw sa ‘next chapter’ ni Julia

660

Matapos ang kanyang matapang na pahayag kay Bea Alonzo, moving on na si Julia Barretto mula sa kontrobersiyang kinasasangkutan base na rin sa kanyang recent Instagram post.

Nag-upload si Julia ng latest photo niya at sa caption, she simply wrote, “next chapter.”

Sa comment section ay nangunguna ang komento ni Kris Aquino with “nobody else can write that next chapter BUT you. Own it, Live it, and be Proud of it.”

Sinagot naman ito ni Julia ng “hugs, tita Kris.”

Ipinagtanggol din ni Kris si Julia sa kanyang sariling IG account sa isang basher na tumawag ng “p…k” sa young actress.

Ayon kay Kris, hindi dapat kondenahin si Julia dahil ang lalaki naman ang nagkamali na siyempre, even without mentioning name ay alam nating si Gerald Anderson ito.

“I have always loved & will continue to love Bea. But why are people so quick to condemn Julia? Why do we blame women when the reality is, men do commit the mistake of not saying they want out, or not being honest enough with the public.

“My view on life changed because of the #songsong couple. He filed for divorce BUT he didn’t fight @kyo1122 for money. And their agencies trea-ted the breakup respectfully. I love them both, though I am really a fan of @kyo1122.

“Pero hindi nya pinerahan ang favorite ko. And he manned up. He accepted it wasn’t working & rather than hurt each other further, nag DIVORCE.

“What everyone has forgotten- there was no marriage here! And come on, sa GANDA ni Bea-PIPILA na ang mga LILIGAW.

“But in the meantime why destroy Julia? And why destroy her mom? Unfair diba? 1 valid point, matapang kang magsalita kung sure kang those words won’t haunt you in the future. That’s why spare the young women.

“Both Bea & Julia DESERVE to move on from this issue. Nakakasawa to put women against each other,” ang mahabang pagtatanggol ni Kris kay Julia and Bea.

Ai Ai tatangging maging Mother Lily

Gustong manganak ni Ai Ai delas Alas sa November, next year kaya naman pinaplano na niyang mamahinga muna sa showbusiness.

“Kaya rin ako naghahabol ng mga ginagawa ko, lahat, tinatapos ko, kasi next year, magpapahinga ako, kasi ‘di ba, magbe-baby kami ni Gerald (Sibayan, her husband).

“So, ‘yun ‘yung reason bakit aligaga ako ngayong taong ito na tapusin lahat, kasi next year, magbabakasyon talaga ako para asikasuhin ‘yung pamilya ko, para kumpleto kami ni Gerald,” pahayag ni Ai Ai sa presscon ng bago niyang comedy film na “And Ai, Thank You” na showing na ngayong Aug. 14 mula sa direksyon ni Joven Tan.

Kaya naman kahit kandidata siya sa mga artistang napipisil na gawin ang life story ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films, ani Ai Ai ay tatanggihan na lang niya ito muna.

“Mas bagay kay ate Vi (Vilma Santos) or kay Judy Ann (Santos). So, I think, huwag na lang muna ako do’n, pass na lang ako. Manonood na lang ako ng movie ni Mother Lily tungkol sa kanya.

“Talaga dapat, January ako magpapahinga, eh. Kasi, para manganak ako by November. Para 2020 rin. Kung ipagkakaloob ng Diyos.

“Pero sabi ko, kailangan ko munang may tapusin, so by August na. So, next year na ako ma-nganganak. So, walang pahinga rin. Konti lang,” sey pa niya.

Ang “And Ai, Thank You” ay pangatlong pelikula na ni Ai Ai na ipalalabas this year, pero actually ay apat na raw ang natatapos niya.

After “And Ai, Thank You” ay may pelikula pang gagawin si Ai Ai with Coco Martin and Jennylyn Mercado kaya if ever, ito ang last film niya bago magbakasyon.