Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris takot sa balik-TV

0 684

NI: ROLDAN CASTRO

Kumpirmado na ang bagong talk show ni Kris Aquino pero wala pang detalye.

Matunog na ipapalabas ito sa TV 5 (OneTV) pero nananatili pa lang na alingasngas.

Mababasa rin sa social media na July 25 umano ang pilot, 5PM sa nasabing istasyon.

Ayon sa source naming malabo umano na ipalabas ito sa Cignal TV.

Hindi pa rin nagsasalita si Kris kung anong ganap sa kanyang programa.

Nakatanggap lang kami ng message sa isang kasamahan na magpadala ng limang katanungan kay Kris, Style presscon na raw ito ngayong new normal.

Pipiliin daw ng actress-tv host ang mga question ng media at ivi-video ang kanyang kasagutan. Ilalabas daw ito bago mag-premiere ang kanyang show.

Samantala, pakiramdam naman ng mga tagahanga ni Kris may kinalaman sa bago niyang TV show ang post sa Instagram na @krisaquino, “i read this quote:
“it’s OKAY to START OVER… it’s OKAY to REBUILD… and it’s OKAY to be a LITTLE SCARED…”

“shoots begin tomorrow, just to slowly get me back into the groove… so to calm my nerves & entertain me (because may mga guapo/cutie pie na crush ko, and stylish women w/ perfect posture & beautiful skin to inspire me in compelling roles & exciting stories) – natapos ko ang 60 Days Designated Survivor 🇰🇷 and Money Flower. Both were SUPERB!

“Now choosing among HYENA, VAGABOND, HIGH SOCIETY, PRISON PLAYBOOK, or DOCTOR PRISONER – all are available on @netflixph. Do you have K Drama suggestions for me? Medyo serious, mga may pinaglalaban, and may unexpected plot twists ang talagang nakaka hook sa ‘kin. i’ll be waiting for your recommendations.

Leave A Reply

Your email address will not be published.