Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris tinapos ang chapter sa dyowa

0 230

May hugot at rebelasyon si Kris Aquino kahapon sa kanyang Instagram page kabasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day.

Nahati sa dalawang bahagi ang mahabang post ni Kris na sinimulan niya sa pagbibigay ng update sa kanyang kalusugan.

“Jessica, not Patricia came back to repeat my ECLIA test… i didn’t post anything kasi yung 1st blood panel ko wasn’t good (as i said marami kayong problema so my health issues shouldn’t be your concern) and i said i’d give you an update kung may antibodies na ko… so i kept quiet & waited because w/ the vaccine i chose mas matagal (and i’m assuming it’s also because of all my underlying health issues) so it took me close to 4 weeks to develop Covid-19 antibodies BUT yes, now i have them,” simula ni Kris.

Kinuwento niyang binati raw siya ng kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby at may hugot na pinakawalan sa mga ama ng kanyang dalawang anak.

“My sons both had the sweetest messages greeting me Happy Father’s Day. Honestly dati it was a source of pride that i managed to do it on my own… but now that i’m older, i realize how much they’ve missed out on- sabi nga diba it takes 2 to tango… yes i have been the nurturer & provider and let’s be REAL, hindi naman talaga nag effort yung mga tatay. But it’s lately that i’ve gotten a clearer male perspective from a new friend who has a very strong Christian faith- mahirap daw pantayan yung na provide ko for the 2, and minsan para wag ka na lang mapahiya, iiwas ka na lang… i never saw it that way before. And masyado na rin nasanay si kuya & bimb with our situation,” saad niya.

Patuloy pa niya. “’yun ang kapalit ng living your life publicly… masyadong marami nang nasabi on both sides (this is about bimb’s dad) that he has seen (dahil nga may YouTube) and as he said hindi na nya hinahanap.

Sa 2nd part ng kanyang post ay may rebelasyon si Kris tungkol sa isang tao na hinihinalang si ex-Mayor Herbert Bautista.

“Gusto kong mag kwento sa inyo ng pagtatapos ng isang mahabang bahagi ng buhay ko, pero nagbabago nga ang mga tao… that’s our story, not mine alone. so the parts i can share come from only what i personally said & did.

‘Hinabol ko to arrive bago mag midnight 1 night in May.

“EFFORT kasi 4 hours each way para lang makita ko sya for a total of 15 minutes (lock in sila for work but nag PCR ako to be sure)… sa entrance lang nagkita, hindi sa loob. i simply wanted to personally greet him happy birthday, give my gift and my letter. Sinuklian ko lang because nag effort din sya nung birthday ko to personally give his gift that was maeningful.

“Pero nung May, that was our THE END. Siguro ang pinaka safe na pwede kong i- quote from my birthday letter was i said: i wish him REAL happiness because “we both deserve our versions of ME AFTER YOU”…

“After 7 years, we did become the best of friends & i know even that part is now over,” ang mahabang kwento ni Kris.

May 12 ang kaarawan ni Bistek kaya hindi malayong siya ang tinutukoy ni Kris.

Sa huli ay sinabi niyang gusto naman daw niyang bigyan ng pagkakataon ang 2 anak niya na magkaroon ng deserving stepfather.

“Nagsalita na ‘ko because i still have 4 years, for bimb to experience “normal”… all he’s seen & known are dysfunctional relationships & i don’t want him to become an adult without me trying to move forward and God willing, giving my sons a chance to have the stepfather they deserve. Because i know, i’m not enough.

“He doesn’t have to be rich or famous, better nga kung hindi sya public figure… basta tama ang values, madasalin, may integridad, matalino, at masipag, answered prayer na sya. i’ve achieved all my dreams, it’s now my turn to focus on what really matters- trying for my sons get the father figure they never had. #mytruth,” saad ni Kris.

 

Andi winner ang paandar sa partner

Panalo ang tribute ni Andi Eigenmann para sa fiance at ama ng dalawa niyang anak na si Philmar Alipayo. Sa kanyang mensahe, binigyan niya ng credit ang karelasyon sa kanyang pagiging ina at napakarami raw nitong naituro sa kanya.

“From you I learned that it’s not about how much you’ve read in books, but about how much you listen to and pay attention to your child that makes a good parent.

“It was also from you that I learned to slow down and cherish every moment spent with our children, turning ordinary days into the most memorable ones.

“This is how I am as a mama because of who you are as a papa. I am beyond blessed to have you by my side in all of this. Kaya deserve mo lahat yan papa!” mensahe ni Andi kay Philmar.

“Mahal kaw namo nan grabi kadako karajaw! Happy father’s day!♥️

PS It’s been so much fun being a part of this family because of you! As in ang saya saya!” sey pa ni Andi.

Andi and Philmar got engaged last December. May dalawa silang anak, sina Lilo (2 yrs old) and Koa (5 months old). Ang panganay naman ng aktres na si Ellie na anak nito kay Jake Ejercito ay 9 years old na. Kasalukuyan silang naninirahan sa Siargao na hometown ni Philmar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.