Abante Tonite Interactive

Kris tinuruan si Joshua kung paano sumagot

By
2,680

Aminado ang JoshLia na sina Joshua Garcia and Julia Barretto na marami silang natutunan kay Kris Aquino sa maik­ling panahong pagsasama nila habang ginagawa ang pelikulang ‘I Love You, Hater.’

Ayon kay Julia, du­ring the shooting ay nakikita raw ni Kris ang mga pa-segue-segue nila sa ibang raket kaya lagi raw silang nire-remind ng Queen of All Media.

“She always reminds us to really take care of our health, at the end of the day, don’t forget your health, ‘wag isa-sacrifice ‘yung health, always take care of yourself kasi sisi­ngilin ka talaga ng katawan mo later on,” kuwento ni Julia na mga payo ni Kris sa kanila sa tsikahan with the entertainment press and bloggers last Saturday.

At dahil nga master na master ni Kris ang connection with people, gina-guide rin daw sila nito kung paano maka-connect din sa mga tao lalo na raw si Josh.

Tinuruan daw ni Kris si Joshua kung paano sumagot sa interviews na ipinagpapasa­lamat din ng aktor.

Well, as we can see naman, medyo may kakulangan nga si Joshua on how to express himself and good thing, lagi niyang kasama si Julia na napa­kagaling sumagot at sinasalo siya nito parati.

Bukod dito, pinayuhan din daw sila ni Kris na “strike while the iron is hot” dahil mas mabuti na raw na busy sila’t walang tulog kaysa walang ginagawa. Pero siyempre, priority pa rin dapat ang kalusugan.

Ang ‘I Love You, Hater’ ay pang-apat na pelikula na ng JoshLia at dito raw ay iba naman ang makikita sa kanila ng mga fan lalo na si Joshua na ang role ay nagpapanggap na bading.

Showing na sa ngayong Miyerkoles, July 11 ang ILYH mula sa direksyon ni Giselle Andres.

Bistek walang imbitasyon kay Kristeta sa premiere night

Speaking of I Love You, Hater,’ natanong ng entertainment press si Quezon City Mayor Herbert Bautista kung manonood ba siya ng premiere night ng movie at sey niya, bakit naman hindi kung iimbitahin siya.

“Manonood ako. Kung invited ako, ha? At kung available ang time,” he said.

Pero may statement si Kris na mas type niyang ka-date sa premiere night ang lawyer na nali-link sa kanya ngayon kesa kay mayor.

That time na kausap namin si Herbert and that was July 6, hiidi pa raw sila nagkakausap or nagkaka-textan simula nang dumating siya from Europe a month ago and so far, wala pa naman daw siyang imbitasyon sa premiere night.

Naging busy lang daw sila lately kaya sila nawalan ng communication.

“Busy siya sa pelikula, so, ako naman, busy rin ako rito dahil grumadweyt ‘yung anak kong babae, so, trinit ko ang pamilya, tapos pagbalik, trabaho dahil nabitin ng two weeks, nawala kami for two weeks, so hinabol ko naman ‘yung 2 weeks,” sey pa ni Mayor.

Naging masaya naman daw ang bakasyon nila ng kanyang mga anak and thankful daw siya sa Diyos na naka-graduate na si Athena na anak niya kay Tates Gana.

***

Ruffa, Raymond, Rhian magpapaandar sa EDDYS

Ang Globe Studios ang magsisilbing major presenter ng pinakaaabangang The 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Ito’y magaganap ngayong gabi, Lunes, July 9, 7p.m., sa The Thea­ter At Solaire.

Bukod sa Globe, katuwang din ng SPEEd ang Film Development Council­ of the Phi­lippines, sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño-Seguerra, sa ikalawang taon ng The EDDYS.

Ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez ang magsisilbing hosts sa 2nd EDDYS habang nakatoka naman bilang anchors sa sosyaling red carpet sina Rhian Ramos at Tim Yap.

Ilan sa mga magpapaandar sa gabi ng para­ngal ay ang kilalang rapper na sina Abra at Loonie, Jona, Bituin Escalante, Wishful 5 at Noel Cabangon.

Sa direksyon ni Paolo Valenciano, ang 2nd EDDYS Choice ay sa ilalim ng produksyon ng fastest growing FM station na Wish 107.5.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editors ng major broadsheets and tabloids sa bansa sa pangunguna ni Ms. Ian Farinas bilang presidente. Si Isah Red ang founding president ng organisasyon.