Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris, Tulfo show hiling ng mga fan

0 519

Kuwela ang pagtatagpo nina Kris Aquino at Raffy Tulfo sa studio ng TV5. Bongga nga ang unang chika ni Tulfo, na magandang-maganda sa personal si Kris, na sinang-ayunan naman ni Kris.

At siyempre, pinakawalan na ni Kris ang kagustuhan niyang makatrabaho si Tulfo.

“Gusto ko talagang magka-talkshow with you. Sana mangyari,” sabi ni Kris kay Tulfo, na tila aprub naman sa barakong TV host.

“Sana in the future, kasi I like the way you stand up for women,” saad pa ni Kris.

“Kasi talagang ano, kinakampihan mo ang mga babae, at pinagsasabihan mo ang mga lalaki,” sey pa ulit ni Tetay.

At kaaliw rin ang hirit ni Tulfo kay Kris na, kapag may ‘kaaway’ ito, kakampi siya rito.

Related Posts

“Ibulong ko na lang sayo! Hahahahaha!” natatawang sambit ni Kris.

Siyempre, pinuri rin nang husto ni Kris ang mga sapatos ni Tulfo na ginagamit sa show.

“Ang ganda ng collection mo ng rubber shoes. Parang hindi ka nag-uulit ng sapatos,” sabi ni Kris.

Kaaliw rin ang chika ni Kris na ang title ng kanyang show sa TV5 ay ‘Love Life with Kris’ dahil…

“Wala ako noon. Magkalaron pa lang. Hahahaha!”

At base sa reaksiyon nga pala ng mga fan sa YouTube, bet na bet nila ang magkaroon ng show ang dalawa sa TV5.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.