Abante Tonite Interactive

Kris tuliro sa offer ng Star Cinema

By
4,322

May ipinost na short clip ng Star Cinema logo na naman si Kris Aquino last Monday night kaya naman her followers were wandering na naman kung ano ang ibig sabihin nito.

May nauna na kasing post last week si Kris na halos ganito rin pero bi­nura niya agad dahil, aniya, ay humihingi pa raw siya ng guidance kung ano ang best for her.

Ang tsika nga kasi ay may gagawin siyang movie sa Star Cinema kasama ang KathNiel loveteam na sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Abante Hiring – IT dep

Sa bagong post ni Kris, medyo malabo pa rin ang lahat base sa kanyang inilagay na caption.

“As much as i’m able to share the process w/ you, i’ll give a glimpse. i need to return this viewing copy tomorrow & i’m grateful for the respect being accorded to me & my team during our discernment.

“I felt it was important to watch as much as i could of the hits of 2017 that @starcinemaproduced. Medyo comedy because we don’t have a dvd player anymore & @jacksalvador had to find a player w/ hdmi port because our smart tvs no longer have the built in dvd connectors.

“Please pray w/ me to see clearly God’s path for me?” ang caption ni Kris.

Natuwa naman ang mga follower niya na humuhulang may movie offer talaga si Kris from Star Ci­nema at ang iba’y kumbinsido rin na ito na nga ‘yung KathNiel movie. Ang da­ming nagbigay ng words of encouragement at nagkomentong ipagdadasal nila na matuloy ang pelikula.

Marami ring nag-comment na sana ay alukin na rin siya ng ABS-CBN ng isang talk show again dahil nami-miss na raw nila si Kris sa TV.

Joshua nadulas na girlfriend niya si Julia

NABUKING na naman si Joshua Garcia na talagang girlfriend niya si Julia Barretto at mukhang okay pa naman ang relasyon nila taliwas sa mga naglalabasang hindi sila okay simula nang lumabas ang controversy tungkol sa netizen na pinadalhan ng young actor ng direct message na gusto niya itong makita.

Sa Gandang Gabi Vice na inere last Sunday ay guests ang mga The Good Son actors na sina Joshua, Nash Aguas at Jerome Ponce. Tinanong sila ng host na si Vice Ganda kung ano raw ang ginagawa nila sakaling tumawag ang mga girlfriend nila habang kinukunan ang isang mabigat na scene nila.

Sagot agad ni Joshua, “ako, hindi ko nakausap si Julia nun’g ginawa ko ‘yung scene na ‘yun.”

Kaya naman tanong agad ni Vice, “ah, si Julia ba ang girlfriend mo?” Nagkatawanan lahat at pati si Jerome ay nagtatalon pa sa tuwa sa pagkakadulas ni Joshua.

Kantyaw at biro pa ni Vice, “Taray! Ngayon ko lang naririnig ‘yan, ah. Si Julia ang girlfriend mo ha? My God, all this time I thought it’s Marjorie (Barretto, nanay ni Julia).”

Tawa nang tawa si Joshua. At inulit niyang hindi niya talaga kinakausap si Julia nang ginagawa niya ang mabigat na scene at nagpaalam naman daw siya sa young actress that time.

Tinanong ni Vice kung ngayon ba ay nag-uusap na sila at sagot ni Joshua, “oo naman.”

Nathalie keber kung tawaging porn star

NAGSIMULA na palang mag-shooting si Nathalie Hart para sa pelikulang The Bitch Wedding ng Viva Films kung saan ay kasama niya sina Cristine Reyes, Roxanne Barcelo at Kylie Versoza.

Kanya-kanyang posts sa Instagram ngayon ang apat na aktres at patalbugan sila ng sexy photos.

Isa sa mga maiingay nating sexy stars si Nathalie pero sa bawat proyektong ginagawa niya, ipinakikita niyang she’s not just another sexy actress kung di may ibubuga rin sa pag-arte. Una siyang umani ng papuri sa indie film na Siphayo kung saan ay nanalo pa siyang Best Actress sa International Film Festival Manhattan (IFFM) noong 2016.

Pinag-usapan din ang kanyang Tisay movie noong 2016 din dahil sa matitinding daring scenes na ginawa niya sa pelikula.

Huling napanood si Nathalie sa Sin Island with Xian Lim and Coleen Garcia kung saan ay markado rin ang role niya. Balita ngang na-impress daw ang Star Cinema sa acting niya kaya naman ikinontrata raw ito ng 2 pelikula.

Nathalie doesn’t mind doing daring scenes at noon pa talaga, she has this image na walang takot sa hubaran.

Aniya in her past interview, wala raw siyang pakialam kung ano ang sabihin sa kanya ng tao, kesehodang sabihan siyang porn star, pokpok, malandi, wala siyang keber dahil ang mas importante raw sa kanya ay mabigyan ng suporta ang kanyang pamilya.