Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris tumalak sa pintas na pangit

0 102

Hindi nakaligtas kay Kris Aquino ang komento ng isang basher na pangit siya kapag walang make-up.

Nag-post si Kris sa kanyang social media accounts ng isang video kung saan ay gumagawa sila ng flower arrangement with some florists at ang anak niyang si Bimby. Inulan ito ng papuri sa kanyang Facebook page at marami ang natuwa na makitang okay naman ang kalusugan niya ngayon.

Pero may isang basher na walang pakundangan at nagkomentong “pangit pala c Miss Kris pag wlang make up. Sorry just saying.”

Napansin ito ni Kris at hindi niya pinalampas. With class, sinagot niya ang basher.

“Beauty is in the eye of the beholder. I could so easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa? Hindi naman ikagaganda ng buhay ko and hindi rin makakatulong sa lipunan.

“Siguro you need to find your happiness? And thank God di ba, ako gumaganda pag may makeup,” sagot ni Kris.

Gabby kay Tetay: ‘Don’t be sad’

Sa kanyang Instagram post naman of the same video ay sumagot si Gabby Concepcion na ikinakilig ng marami.

Sa video kasi ay sinabi ni Kris na sad siya kaya siya gumagawa ng flower arrangement.

Komento ni Gabby, “don’t be sad.”

Isang netizen ang nag-tag pa kay Sharon Cuneta dahil sa komentong ito ni Gabby.

Sey naman ng isang follower, “omgggg, keleg po! 🤗 hahahahaha.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.