Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris TV career bubuhayin ng 2 utol

0 169

ROMMEL PLACENTE: Ang magkakapatid ay dapat talagang nagdadamayan,nagtutulungan kapag down ang isa Sa kaso ni Kris Aquino, aminin natin na down ang kanyang career,sa telebisyon at maging sa pelikula.

‘Yung supposedly na gagawin niya dapat sa isang TV network na magiging TV comeback niya ay hindi na natuloy kahit marami nang negosasyon ang naganap.

Mabuti na nga lang at ‘yung dalawang kapatid ni Kris ay handang magsugal/mag-produce sa kanya ng isang online show. Balak din nilang buhayin ang kanyang TV career.

Hindi lang niya binanggit kung sino ang tinutukoy niya.O,di ba, to the rescue sa kanya ang dalawang kapatid niya?

Alam kasi nila na down ngayon si Kris when it comes to her career kaya sila na mismo ang magpo-produce ng show para rito. Sana ganun ang magkakapatid,di ba,na talagang nagmamahalan? Galing naman sila sa iisang dugo at laman.

Natuwa nga ako mga ka-Cuatros na ang dating magkaaway na mortal na magkapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto, ay in good terms na ngayon.Grabe ang word war nila rati,di ba? Pero mabuti na nga lang at na-patch up na rin ang hindi nila pagkakaunawaan.Magkapatid kasi.Iisa ang dugong nananalaytay sa kanila kaya inisip nila na magkaayos pa rin.Si.Marjorie,na hanggang ngayon ay kaalitan pa rin nina Gretchen at Claudine,naniniwala ako na in God’ s perfect time ay makakabati rin nila. Love-love pa rin talaga ang dapat pairalin sa mga magkakapatid.

Balik ako kay Kris mga ka-Cuatros.’Di bamay gap siya dati sa nakakatanda niyang kapatid,ang dating presidente ng ating bansa na si Noynoy? Pero ngayon ay okey na sila.

MILDRED A. BACUD:Ganon naman dapat talaga ang magkakapatid magsusuportahan at walang iwanan. Tulad na lamang ni Janine Gutierrez sa mga kapatid niya. Dahil siya ang unang nagkatrabaho sa kanila at panganay, very generous siya sa mga kapatid at binibili ang gusto nila. Nu’ng lumipat nga ang aktres sa Kapamilya network, ang nakababatang kapatid na si Diego ang isa sa nagbigay daw ng lakas ng loob sa kanya. Ito pa raw ang nagpayo na huwag siyang kabahan. Si Diego ay baguhang singer at semi regular performer na rin sa ASAP Natin ‘to. Kaya si ate Janine ay todo support rin sa singing career ng kapatid. Kabaligtaran naman ng magkapatid na Pia Wurtzbach at Sarah na nakakaloka dahil umabot talaga sa social media ang hidwaan nila na damay ang ina.

Pero wala na yatang tatalo sa awayang Barretto sisters. Ilang taon na rin ang bangayan. Oo, at nagkasundo na sina Gretchen at Claudine pero hindi pa rin sila okay kay Marjorie.

SM food to go Banner Ad

RODEL FERNANDO: Talagang totoo ‘yung kasabihang “Blood is thicker than water”. Nakikita at nararamdaman siguro ng mga kapatid ni Kris na gusto na niyang makabalik sa telebisyon. Kahit may mga hindi sila pagkakaunawaan in the past ay naroon pa rin ang bigkis nila. Masyado na rin siguro naapektuhan ang mga kapatid ni Tetay. Makailang beses na rin kasing napurnada ang pagbabalik niya sa TV.

Itong napapabalita na ang mga kapatid na niya ang magpoprodyus para mapanood na siya uli sa tv ay patunay lamang ang pagdadamayan at pagmamalasakitan nila.

Sabagay, kahit character si Kris sa ibang bagay ay mahal talaga siya ng kaniyang mga kapatid. Naroon ang palaging pag-intindi sa kanya lalo na sa lovelife nito.

Well, maraming magkakapatid sa showbiz ang nakikita pa rin ang tunay na pagmamalasakitan. Isang magandang halimbawa ang mag-Sis na Janice at Gelli de Belen. Ilang beses na rin kasing dumaan sa matinding suliranin si Janice pero palaging si Gelli ang karamay niya at tagapagtanggol nito. Ang magkapatid na ito ang hindi pa napabalitang nag-away na pinagpistahan ng press. Maaaring nagkakatampuhan pero mas marami ang pagdadamayan nila sa lahat ng bagay.

ROLDAN CASTRO: Lalayo pa ba tayo sa magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes. Dati ay may matindi rin silang away na naging kontrobersyal. Pero naghilom din ang galit at nagkabati sila sa bandang huli. Makikita rin na nagtutulungan at nagmamahalan ang dalawa ngayon.

Ang nakakalungkot ay ‘yung tsika sa isang aktor na dinemanda ng kapatid dahil sa mana.Sana maayos din nila ‘yun at magkasundo na.

Si Bb Gandanghari todo emote din sa utol niyang si Robin Padilla. Pero dahil magkapamilya humantong din sa paghingi ng sorry ni BB.

Ganoon naman ang mga magkakapatid, minsan may tampuhan, awayan pero hindi rin matitiis sa oras ng gipitan .

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.