Abante Tonite Interactive

Kris, Vice buking ang dating dyowa ni Angeline

0 1,695

Tatahi-tahimik si Angeline Quinto pero nagka-boyfriend pala siya 4 years ago.

Non-showbiz daw ang naging nobyo ni Angge, na nagawa niyang ilihim pero alam daw nina Kris Aquino at Vice Ganda ang tungkol doon.

That time daw kasi ay may “Kris TV” pa at sa tuwing guest siya roon ay lagi siyang inuusisa ni Kris, so nakita nito ang picture nu’ng guy sa celfone niya. ‘Pag nakikita raw kasi nitong may ka-text siya ay inaagaw nito ang fone niya.

Mga 2 years din daw silang tumagal nu’ng nobyo niya na may mina-manage na family business, pero in fairness ay hindi ‘yon nabalita at ni hindi sila nakunan ng pic na magkasama, ha?

Ang naging problema raw ay kawalan ng oras niya sa boyfie niya dahil sa kabisihan sa trabaho.

Ang maganda ay may dayalog daw ‘yung lalaki na ‘yon handa siyang hintayin nito kung kailan siya ready ulit. Ganda ni Angge, ‘di ba?

After that ay loveless na raw si Angge at hindi naman daw siya naghahanap ng boyfriend.

Okey lang daw kahit nganga siya tuwing Valentine’s, tulad din ng loveless na si Jed Madela na makakasama ni Angeline sa pre-Valentine concert na “Voices For Love” sa February 12.

Dinner show ito sa Marriott Grand Ballroom na produced ni Tita Annabele Rama. Kasama rito nina Angeline at Jed sina Mitoy Yonting, Imelda Papin, LA Santos, Alyssa-Muhlach Alvarez at Mayora Lani Mercado.

Aktor imbyerna sa nag-walkout na celebrity

Hindi na dapat binibigyan ng trabaho ang isang pasaway na aktor (PA) para magtanda ito at matuto ng professionalism.

Kasama dapat sa isang pelikula si PA, pero sobrang late ito kung mag-report sa set at inaabot ng ilang oras kung paghintayin nito ang kanyang co-actors.

Ang siste pa ay ayaw ni PA na natetengga siya sa set at ‘pag naiinip ito sa paghihintay ay buong ningning itong nagwu-walkout.

As in may gana pa siyang mag-walkout kahit palagi siyang late sa mga calltime, ha? Ganu’n kalakas ang apog ni PA.

Ginawa ‘yon ni PA sa shooting ng movie ng isang kilalang aktor (KA). Nag-walkout ito nang walang pakundangan kaya ito pinalitan ng ibang aktor sa cast.

Galing pa man din sa isang mabigat na eksena na may rain effect ang bidang aktor na si KA, tapos ay malalaman niyang lumayas sa set si PA na kukunan dapat sa next scene. Siyempre, iritado si KA, ‘di ba?

Mabait at tahimik lang si KA, pero nabuwisit talaga ito sa pagka-unprofessional ni PA. Kaya sinabi talaga ni KA na ayaw na niyang makatrabaho ang pasaway na si PA.

Ang ending ay mas bumagay ang role sa aktor na ipinalit kay PA at naging blockbuster hit ang nasabing pelikula. Part sana nito si PA kung hindi siya nag-attitude.

Sa isang pelikulang ginawa ni PA ay meron din itong walkout moment na sobrang ikinairita ng isang beteranong aktor (BA) na katrabaho ni PA sa pelikula.

Tila nawiwiling mag-walkout si PA na feeling yata ay sikat siya at hahabol-habulin siya ng production at ng co-stars niya.

Sa pagkaimbudo ni BA ay pinadalhan nito ng text message si PA na, “If you are not fit to be an actor, quit this business!”

PAK!!

Ewan kung nagtanda na si PA mula noon, pero kung pasaway pa rin ito ay may kasalanan din ang kanyang management dahil tino-tolerate nila ang pagiging unprofessional nito.

Martin waging Best Actor sa Asian TV Awards

Bongga si Martin del Rosario dahil wagi siyang Best Leading Male Performance Digital sa 24th Asian TV Awards na ginanap sa Resorts World Manila.

Nanalo si Martin sa kabogerang performance niya bilang Barbs sa “Born Beautiful” na ginawang series ng Cignal TV.

Ito ‘yung role na napunta kay Martin nang tanggihang gawin ng original Barbs na si Christian Bables. Kung ginawa ito ni Christian, wagi rin kaya siya ng tropeo sa Asian TV Awards?

Ang taray ni Martin dahil ka-level niya ang magagaling na Asian stars na nag-uwi rin ng parangal nu’ng gabing ‘yon.

Mahusay naman siya talagang umarte at hindi ka mapapahiya na ihanay siya sa magagaling na aktor sa Asya.

PAK!!