Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris walang balak magdemanda na ‘magkakaapo’ kay Josh

0 137

NI: ARCHIE LIAO

Aminado si Kris Aquino na nagalit siya noong unang beses na napanood niya ang video na ibinahagi sa YouTube.

Gayunpaman, medyo nahimasmasan raw siya matapos na mapanood ang pagtatanggol sa kanya ng beteranong entertainment journalist at talent manager na si Ogie Diaz.

Sinabi ng aktres-tv host na hindi niya tinatanggal ang posibilidad na maging tatay ang kanyang panganay.

Pinasalamatan din ni Kris si Ogie sa kanyang post at sa pagtatanggol nito kay Bimby bilang isang celebrity parent.

“Thank you pare, for all the years that kuya josh, because he is in the autism spectrum, was made a punching bag on social media just because it was convenient when people wanted to play dirty politics, you made me feel that you saw him as a human being with the same right to love and be loved like everyone else,”ani Kris.

Dagdag pa ni Kris, kung umalma man siya, natitiyak daw siyang naiintinidihan din siya ng sinumang magulang na nagmamahal sa kanilang mga anak.

Natutuwa rin siya na sa kabila ng kakulangan ng anak ay natututo na itong maging independent.

“Many parents who raised or are raising children with special needs will identify with me… we know the challenges & we celebrate the victories. Kuya’s desire for independence now is a WIN!
Tanggap namin na malabong mangyari for Josh to have a wife & children, pero marunong talaga ang langit. Binubuhusan sya ng sobra sobrang pagmamahal ng lahat ng mga pinsan ko at kapitbahay nya ngayon sa Tarlac because his HEART is pure and his affection is REAL,”pagtatapos niya.

As of this writing, isang reliable source ang nagsabing wala raw namang balak magsampa ng reklamo si Kris sa nasabing tagapagkalat ng ‘fake news.’

Aniya, ipinasasa-Diyos na lang daw niya ang lahat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.