Abante Tonite Interactive

Kris walang mana kay Tita Cory

By
3,363

.Hindi tatakbo sa politika
.Nag-abono kay Bistek
.Singsing na regalo ni Herbert, ipinalit sa relo
.Pinagalitan ng mga kapatid sa giyera kay Mocha

Trending ang live guest ni Kris Aquino sa show ni Nanay Cristy Fermin, ang Cristy FerMinute sa Radyo Singko 92.3 News FM kahapon.

Dalawang oras na nakaupo sa panel ang Queen of All Media. Bago dumating si Kris sa programa ay ang dami ng na­tatanggap na text si Nanay Cristy. Isa na ang tungkol sa totoong relasyon ni Kris at ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ang naging daan para muling mag­kita ang dalawang mahusay na TV host ay ang entertainment editor na si Dindo Balares. Pareho nilang pinasalamatan ang taong nagbigay-daan sa kanilang pagkikita. Ilang taon din kasing hindi nagkikibuan sina Kris at Nay Cristy. All’s well that ends well.

Anyway, ang pag-guest ni Kris ay first live interview sa kanya magmula nang umalis siya sa ABS-CBN. Sinabi ni Kris na siya ang tumawag kay Dindo na gusto niyang makita at makausap si Nanay Cristy.

Pag-upo pa lang ni Kris, ang unang pakilala ni Nay Cristy ay ang pagbabalik ng alibughang anak. Para sa kanya, ang Queen of All Media ay prodigal daughter. Tanong ni Nay Cristy, “Ku­musta na kayo ni Herbert?”

Ang tawa ni Kris, sabay sabing he’s in a vacation right now, with the mother of his children. Binanggit niya ang pangalan ni Tates (Gana). “Nasa Europe sila in all.” Tukso ni Nay Cristy, alam na alam mo kung nasaan sila.

Ayon kay Kris, kaya hindi raw siya nagsasalita about Herbert dahil nasa kontrata niya sa multi-international company na bawal siyang magsalita kapag ang mga tao ay may koneksyon sa politika. “And let’s be honest, in our age we’re not saying girlfriend-boyfriend after nang ginawa niya sa akin na hindi niya ako pinagtanggol.”

Ang tungkol sa singsing na ina­akalang engagement ring na bigay ni Mayor Bistek ay ipinaliwanag ni Kris. Aniya: “Nasa Italy kami noon. We’re together. May binili kaming singsing, ako ang pumili. Nang babayaran na na-decline ang credit niya. Walang pondo, hahaha. Ako ang nag-abono, binayaran naman agad niya. Maliit lang ang pinili ko, 1 carat lang.” Nilinaw ni Kris na separate room sila nu’ng nasa Italy.

Pero, the next day ay biglang naisip ni Kris ang kumplikasyon, kaya binalikan daw niya ang store at pinapalitan niya ng dalawang branded na relo na super good prize raw talaga.

Sadyang mahilig sa relo si Kris, dahil nu’ng nasa Greenbelt din daw sila ay inaway talaga niya si Bistek. May pinili raw siyang relo at kaya ‘yun ang gusto niya dahil siya ang dating endorser at limited edition kaya kahit mahal ay may discount siya. Tseke raw niya ang binayad, at tulad ng dati binayaran naman din daw agad ni Mayor Bistek,

Ani Kris: “You are not defending me. I am sick and tired. One month ko talaga siyang hindi kinibo, Nanay Cristy.”
Hinggil sa isyu nila ng Presidential Communications Assistant Secretary na si Mocha Uson, ani Kris nag-text sa kanya ang kanang kamay ni Presidente Rodrigo Road Duterte. Aniya, pinasasabi raw ni PRRD ang paghingi ng SORRY sa ginawa ni Mocha. Friends na kami ni PRRD.

Pero hindi pa rin napigilan ni Kris ang magkuwento hinggil sa pag-post ni Mocha ng picture ng kanyang ama na si dating Senador Ninoy Aquino comparing sa picture ni PRRD sa kiss niya sa Pilipina sa Korea. Paliwanag ni Kris masakit para sa kanya ang ginawa ni Mocha. Sana raw ay ibang picture na lang ang ginamit hindi ‘yung minutes later ay mamamatay na pala ang kanyang ama kung saan ang unang humalik kay Ninoy ay ang mga tagahanga at hindi ang kanyang ina o siya man lang.

May nagsasabing maarte ang Queen of All Media. Buwelta ni Kris: “Subukan n’yo. Subukan n’yo panoorin kung kayo ang nasa katayuan ko. SUBUKAN N’YO!!! (hindi na niya mapigilan ang maiyak.) I-try n’yo and tell me that on my face.”
Tanong ni Nanay Cristy kung ano ang sabi ng kanyang mga kapatid. “Nay Cristy, pinagalitan nila ako. I-enjoy na lang daw at maging humble ako. Pero, that’s not me, eh. Alam ko kasi kung saan ako lulugar. Kung hindi mo papatulan, uulit-ulitin. Ako ang balahura kasi mga proper ang kapatid ko.”

Kinuwento rin ni Kris na ang pinaka-painful life na nangyari sa kanya ay nu’ng pinagbubuntis niya si Joshua. Hindi raw siya kinikibo noon ng mommy niya, si late President Corazon Aquino. Pero nu’ng inilabas na raw niya si Josh mahal na mahal daw ito ng kanyang ina.

“I was never put of her inheritance. Sabi niya kay Josh ilalagay ang lahat ng para sa akin. Nakita kasi niya ang condition ni Josh. He’s autism. Ang lahat ng ‘yun ay nasa ate’s care,” lahad ni Kris.

Paliwanag pa niya, nu’ng si Bimby raw kasi ang pinagbubuntis niya nasa tiyan pa lang ay pinag-aagawan na sa paggawa ng commercial.

Sa huli, nilinaw ng Queen of All Media na hindi siya tatakbo sa politika. Sabi raw sa kanya ng ina na si Pres. Cory kung papasok siya sa politika kailangan iwanan niya ang luxurious life. Pinagdiinan din niya ang ginawang pag-alma sa video na nilabas ni Mocha ay hindi para sa kanya kundi “THAT IS NOT MORE THAN FROM MY DAD IT’S FOR MY MOTHER. At sana nirespeto raw ni Mocha ang taong nananahimik na. Bilang isang ina na rin ramdam ni Kris ang sakit na pinagdaanan ng kanyang ina noon.