Abante Tonite Interactive

Kris walang seryosong sakit

By
4,697

PARANG nabunutan na ng malaking tinik si Kris Aquino matapos lumabas ang resulta ng kanyang medical check-up sa San Francisco last Tuesday bago siya umuwi ng ‘Pinas.

Sa kanyang latest Instagram post, inamin niyang talagang natakot siya bago lumabas ang resulta dahil may ‘markers’ daw sa kanyang blood test na parang indikasyon ng ‘something more serious’.

“Total & complete honesty, there were certain “markers” in my blood works that were red flags for something more serious. i only shared the news w/ my sisters, a few trusted friends & Bimb. It was a sleepless & worry filled Monday night waiting for the additional lab works that I’d be given to confirm if more consultations w/ specialists would be needed. So we all PRAYED,” ang bahagi ng post ni Kris.

Pero laking tuwa raw niya nang lumabas ang result last Tuesday dahil normal daw ang lahat.

“Sharing this because nothing beats FAITH in God’s goodness. The additional results that came Tuesday after lunch were a true gift from God. I was CLEARED because the results that would have confirmed having a stressful medical condition all came back NORMAL,” post pa niya.

Pero siyempre, ipagpapa­tuloy pa rin daw niya ang pagiging maingat sa sarili para sa kanyang mga anak.

“I think it was a way of emphasizing that foremost for a single parent like me is my good health for my 2 sons… i shall obey all my doctors’ instructions. We shall avoid all my allergy triggers & be ready for all emergencies. We won’t ignore my iron & vitamin D deficiency. We’ll take extra care knowing i’m anemic & will get the correct sleep & rest. And we’ll closely monitor my thyroid function.

“I debated about sharing­ details but it was from watching @wendyshow & her discussing her condition w/ Dr. Oz that i knew what the doctors were trying to explain to me. And if this post will encourage more Moms (all parents in gene­ral) to get a thorough health evaluation, i’ll know i used my platform for good- because how do we take care of our families if we don’t 1st care for ourselves?

“God bless all of you w/ good health. And i’m going home to the 2 people who matter most that’s why i have inspiration to be at my healthy best,” post pa ni Kris.

Heart at Chiz nakabuo na ng baby sa Italy

ANG malaking tanong nga­­­yon, may baon na ka­yang baby sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista pagbalik nila ng bansa galing­ Italy?

Tila second honeymoon na rin daw kasi ng mag-asawa ang bakasyong ito at very vocal din naman sila sa pagsasabing this year talaga ang target nilang magka-baby.

Naka-break ngayon sa showbiz si Heart at hindi muna tatanggap ng mga proyekto aside from endorsements dahil nga tututukan muna nito ang pina­planong baby at ang kan­yang pagi­ging artist.

Nag-open last March 27, ang kanyang latest art exhibit sa Artspace sa Ayala Museum kung saan naka-display ang mga bago niyang obra.

Pero mas malaki raw ang art exhibit ni Heart sa 2019 na pinaghahandaan na niya this early kaya naman ayaw niya talaga munang mag-showbiz.

Although ayon sa source, pipirma na ito ng kontrata sa GMA Artists Center pagbalik din nito ng bansa pero ang Viva Artists Agency pa rin daw ang hahawak sa endorsements ni Heart. Maaala­lang pumirma siya ng management contract sa Viva at recently nga lang daw ay nag-expire na.

Malapit na rin daw ang launching ng kanyang bag and kitchen line na ilang taon din daw nagkaroon ng planning and preparation

Nauna nang sinabi ni Heart sa interview na kung hindi naman agad sila makakabuo ng mister ng baby ay wala namang problema. Basta raw ayaw niyang magpa-pressure pero gagawin nila ang lahat.