Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kris windang na walang kontrata

0 200

NI: ALWIN IGNACIO

Malulungkot ba tayo sa chikang si Kris Bernal, walang contract renewal sa kanyang mother network? Yes or no lang ang sagot, bawal ang spin a win! Hahahaha!

Sumikat ba siya? In fair Verona sa GMA 7, ang daming golden opportunities na ang binigay kay Bernal, mga kabogerang lead roles, minsan pang-prime time, minsang programa sa hapon.

Pero aminin natin, mas sumikat pa sa kanya sina Andrea Brillantes at Francine Diaz. Kaya sa tanong kung sumikat ba siya, after all the pushing and the pulling mula sa Kamuning based network, alam na alam na ang sagot.

May naging product endorsements ba siyang inyong natatandaan? Commercial sa telebisyon na tumataktak at nagmarka at ang produkto ay pinagkaguluhan sa merkado?

SM food to go Banner Ad

At sa kanyang mga nakapareha, tanging ang tambalan lamang nila ni Aljur Abrenica ang kahit kaunti, eh may taglay na panghalina at pangrahuyo sa mga tagahanga.

Sino pa ba sa Kapuso actors ang nakapareha ni Bernal? May natatandaan pa ba kayo? O may amnesia na ang lahat?

Kung hindi siya renewed by her network, mainam kay Kris to concentrate on her business at karirin niya na talaga ito.

Puwede rin siyang bumalik sa pag-aaral and excel in the academic world.

Or kung may jowa naman siya, panahon na siguro para pag-usapan ang next big step sa kanilang relasyon.

Sa true lang, kung may talent talaga si Kris Bernal at professional during her 14-year stay as a Kapuso, pwede siyang malumbay sa kasalukuyan. Pero makakabalik siya sa kanyang estado dahil nga sa kanyang galing at brillo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.