Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Krisis sa pabahay, dineklara

0 272

Inaprubahan ng House committee on housing and urban development ang isang resolusyon na nagdedeklara ng krisis sa pabahay sa bansa.

Ginawa ang pag-apruba sa House Resolution No. 1458 na akda ni San Jose del Monte City Rep. Florida Robes upang itulak ang pagtugon ng gobyerno sa kabuuang 6,796,920 housing unit na kailangan sa 2022.

Batay sa resolusyon, ang gobyerno ay naglalaan lamang ng 0.74% ng taunang budget para sa pabahay mula 2010 hanggang 2021.

Mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2020 ang gobyerno at pribadong sektor ay nakapagtayo lamang ng 777,879 housing unit.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), umaabot sa 1,898,993 pamilya ang mga informal settler sa bansa at 478,899 dito ang nasa National Capital Region (NCR).

Mayroong inirekomenda ang resolusyon upang masolusyunan ang problema kasama na ang pagtukoy sa mga lupa ng gobyerno na maaaring gamitin sa pabahay.

Nananawagan din ang komite sa Department of Finance (DOF) at Philippine Guarantee Corporation (PGC) upang bumalangkas ng housing finance system para mahikayat ang pribadong sektor na makilahok sa pagtatayo ng pabahay. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.