Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Krista paborito ang umibabaw

0 83

NI:NONIE NICASIO

Ang former sexy actress na si Krista Miller, together with Congressman Yul Servo ang naging special guests namin last Friday nina katotong Roldan Castro at Chuffa Mae Bigornia sa online show na Tonite L na L.

Kamusta ang buhay-showbiz, nahirapan ba siya sa kanyang pagbabalik?

Tugon ni Krista, “Ngayon po nakakabalik na rin sa showbz ulit. Bumalik din po ako sa pagiging real estate agent.

“Medyo nahirapan din po ako sa pagbabalik ko sa showbiz noong una. Kasi siyempre, hindi mo alam kung paano ka tatanggapin ulit ng mga tao… Pero hindi na po ako roon nag-focus, basta kung ano lang talaga ang gusto ko. Right after naman po nang nangyari sa akin, ginawa ko namang better ang sarili ko. Nag-aral ako at ngayon ay graduate na ako ng Masscom sa Far Eastern University.”

Aniya pa, “Abangan po nila ang movie namin na The Buy Bust Queen, isa syang advocacy film na kasama sina Ritz Azul, Jeric Raval, at iba pa. And sa EuroTV, Sikat Noon, Sikat Ngayon. every Saturday, 4pm.”

Keri pa ba niyang magpa-sexy ulit sa pelikula? “Keri naman po, pero napag-usapan na rin po namin iyon ni Nanay Lito (de Guzman) na hindi na po katulad noong dati, kasi medyo mother figure na rin po ako, eh. And mas gusto ko rin po kasi talagang mas makilala ngayon sa pag-arte talaga.”

Since under contract siya sa Viva and maraming sexy projects ang Vivamax , paano kung i-require siyang sumabak sa matinding pasilip?

SM food to go Banner Ad

“Kasi, nagpa-sexy na rin naman po ako talaga before at nakilala po ako as sexy star. Pero, ‘yun nga po, katulad po nang napag-usapan namin before ako pumirma talaga, na-mention ko naman po sa kanila kung hanggang saan lang ang limitation ko ngayon.”

Kaya pa ba niyang magpakita ng papaya?

“Hahaha! Hindi naman po… Hindi naman po ako nagpapakita ng papaya before, parang daya-daya lang before, hahaha!” Nakatawang wika ni Krista.

Paano kung maganda talaga ang role at pang-award, pero hinihingi na magkaroon ng frontal nudity, kakayanin ba niya iyon?

“Opo, siguro depende naman din po sa script. Katulad nga po ng sinabi ni Sir Roldan na pang-award winning talaga, why not? Hindi ba, parang big break na rin po ulit sa akin iyon sa aking pagbabalik-showbz.”

Sa Fast Talk, natanong siya kung ano ang kanyang favorite sexual position?

Tumawa muna si Krista bago sumagot, “On top, iyong nasa ibabaw, pero kahit ano po… Siyempre, kasi kapag nasa ibabaw ang babae, kitang-kita niya ang partner niya, siya lang ang nakikita mo… Pero hindi ko na po matandaan, kasi wala naman po akong partner ngayon, eh, hahahaha!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.