Abante Tonite Interactive

Kristen Stewart muntik pakasal kay Robert Pattinson

196

Nang sumikat ang pelikula at serye ng “Twilight”, marami ang nabaliw sa tambalang “RobSten” nina Robert Pattinson at Kristen Stewart. Maging sa totoong buhay ay nagkaroon sila ng relasyon.

Kaya naman marami ang nanghinayang nang maghiwalay silang dalawa. Maging ang aktres na si Kristen ay maituturing na “TOTGA” or “the one that got away” ang ex na si Robert. Isiniwalat niya ito nang makapanayam siya ni Howard Stern.

Pumasok na rin si isip ni Kristen na si Robert na nga ang kanyang “The One”. Muntik na rin silang ikasal dahil ‘yun na lang ang kulang.

Aniya, “I wanted to. Yeah, no, I’ve never been in.”

Tumagal din sa halos siyam na taon ang relasyon nila ni Robert. Maituturing niyang “the best boyfriend” ang aktor.

Sey niya, “We were together for years, that was my first.”

Sikreto lang ang relasyon nilang dalawa.

Sey niya, “We didn’t get to walk down the street holding hands, and it sucked.” (Ronaline Avecilla)