Abante Tonite Interactive

Kristine pasensyosa sa matigas na ulo ni Oyo

1,063

Sa latest vlog ni Danica Sotto, ibinahagi nina Kristine Hermosa at Oyo ang kanilang buhay mag-asawa. Katulad ng pangkaraniwan, hindi rin umano perpekto ang kanilang relasyon.

Ani Kristine, “Wala talagang perfect, walang perfect days, walang perfect person, so you just need to really appreciate kung sino yung binigay sa ‘yo ni God and eventually grow together.”

Sinang-ayunan naman ni Oyo ang pahayag ng asawa. Dagdag pa niya, “Let’s be honest, walang perfect marriage. Pero paano siya nagiging perfect? Through God lang. Kailangan mo lang maging mapagpatawad, kailangan mong maging pasensyosong tao, kasi magkakamali’t magkakamali ka eh.”

Sa halos siyam na taon nilang relasyon, may mga panahon na sinusubok ang katatagan nila. May nga panahon umano na matigas at makulit si Oyo. Gayunpaman, bilang asawa ay natutunan niyang magpasensya.

Siyempre bilang mag-asawa ay give and take sila. Paliwanag niya, “Ganoon din naman siya sa akin. Hindi rin naman ako madaling kasama sa buhay. Natututunan namin to work together, as a team.”

Sinabi rin ni Kristine na importante sa mag-asawa ang pagiging kuntento. Paliwanag niya, “Kailangan mong makuntento, hindi yung ‘pag mahirapan ka na, move on to the next one. Hindi rin puwedeng trial and error. Okay, try ko muna, ‘pag medyo hindi na ako komportable, ayoko na.’ Hindi puwedeng ganon.”

Naging witness din si Danica sa pagiging committed ni Kristine sa asawa. Na-touch pa nga si Kristine sa sinabi ng kanyang sister-in-law. Sey niya, “Noong pinasok niya to, ‘tong marriage na ‘to, all or nothing eh. Binigay mo talaga lahat kitang-kita ko. Kitang-kita ko.”

Pangarap daw kasi ni Kristine ang magkaroon ng pamilya dahil lumaki siyang hindi intact ang famili niya. Kaya matapos mag-asawa ay binigay niya ang best niya para maging mabuting ina’t asawa. Sa ngayon ay mayroon na silang apat na anak ni Oyo. (Rona Ronda)