Abante Tonite Interactive

Kristoffer magso-sorry kay Barbie

1,713

tonite-pak-allan-dionesKontrobersiyal ang tawag ng showbiz­ press kay Kristoffer­ Martin doon sa grand launch ng ‘Victor Magtanggol’ dahil usap-usapan ang ‘pagsawsaw’ niya sa isyu ng mag-ex na Paul Salas at Barbie Imperial.

May mga tweet kasi si Kristoffer na kesyo huwag­ manira ng buhay ng tao, huwag pa-victim at hindi sinaktan, na obvious­ly ay patungkol kay Barbie na may post na may mga pasa ito sa katawan na hinihinalang kagagawan ni Paul.

Ayon kay Kristoffer, sobra silang close ni Paul, na ‘Kung Fu Kids’ days pa lang nila noon sa ABS-CBN ay magkasama na sila.

Abante Hiring – IT dep

Siya raw ang pinakamatanda sa grupo nila ni Paul, so initial reaction niya ‘yon as a kuya. Pero binawi niya rin at binura ang mga tweet niya dahil na-realize niyang it’s too much at aminado siyang sobrang aggressive niya rin. Kaya nag-apologize din siya agad.

Pati pala si Barbie ay part ng circle nila before. So, para kay Kristoffer ay hindi ‘yon pagsawsaw­ o pakikialam dahil isyung barkada raw ‘yon. Marami lang daw nakisali kaya mukha siyang sumawsaw.

Kaibigan niya rin si Barbie, pero sana lang ay hindi na raw nito ­nilabas in public ‘yung bagay na ‘yon.

Si Paul lang ang nakakausap ni Kristoffer kaya ayaw na niyang magsalita at hindi niya rin daw alam kung ano talaga ang totoo.

Isang side lang kasi ang narinig niya at hindi niya pa alam ang side ni Barbie. So, maingat na siya ngayon at lesson learned daw ‘yon kaya quiet na siya tungkol dito.

Halimbawang magkita­ sila ni Barbie somewhere, anong sasabihin niya kay Barbie?

“Siguro, una kong gustong gawin is mag-sorry. Kasi technically, nabasa naman niya (Barbie) kung anuman ‘yung mga dinelete ko (na tweets).

“Kasi feeling ko, ang nasa isip niya, one-sided­­ na ako kaagad eh. ­Actually, ‘yun lang ang gusto kong gawin, eh. Kasi, magkaibigan naman kami, eh. Ang tagal naming nagkasama,” sey ng 23-anyos na Kapuso actor.

Nang kumustahin namin sa kanya ang close friend niyang si Paul, ang sabi ni Kristoffer ay nagulat siya dahil chill lang ito. Siya pa raw ang mas apektado.

Bilib siya kung paano i-handle ni Paul ‘yung nangyari, pero alam niyang nasaktan ang kaibigan niya dahil nasira ito sa mga tao.

Excited si Kristoffer dahil gaganap siyang kontrabida sa close friend niyang si Alden Richards sa ‘Victor Magtanggol’.

Stepsister niya rito si Janine Gutierrez, pero may pagnanasa siya kay Janine. Sa July 30 magsisimula ang ‘Victor Magtanggol’ sa GMA Telebabad pagkatapos ng ‘24 Oras’.

Hindi ko type si Alden – Reese

Gumanap na girlfriend ni Alden­ Richards si Reese­ Tuazon before sa isang episode ng ‘Magpakailanman’ na tampok ang kuwento ng isang sundalo na lumaban sa Marawi. Na-bash agad si Reese sa pagtatambal nilang ‘yon ng Pambansang Bae.

Best friend si Reese ng sister ni Alden sa ‘Victor Magtanggol’ at crush-crush niya si Victor sa nasabing telefantasya. Okey lang daw kay ­Reese kung ma-bash man siya ulit dahil trabaho lang ito.

Sey ng dalaga, Alden is very welcoming at kahit bago siya ay hindi siya na-intimidate dito.

Bet namin ‘yung sagot ni Reese nu’ng tanungin namin siya kung posible ba siyang mainlab kay Alden.

“Hindi ko type si Alden,” ang walang kiye­meng sagot sa amin ng Kapuso newbie habang naka-smile.

Talaga? Bakit hindi niya bet si Alden?

“I don’t know. I’m more into Filipino-loo­king guys. Si Alden kasi, very tisoy,” katwiran niya.

Natuwa kami sa pagiging honest ng dalaga. At least, hindi siya nang-echos na type niya kahit hindi naman talaga.

Ang tipo raw kasi niya ng mga lalaki ay tulad nina Richard Gomez o John Estrada.

May boyfriend si Reese,­ kaya lalong walang dapat ipag-alala ang mga basher niya. Ang nobyo niyang businessman ay si Victor Guingona, pinsan ng boyfriend ni Empress Schuck na mula sa kila­lang political family.

Since high school ay sila na ni Victor, so hopefully ay papunta na raw sila sa wedding.

Paborito ni Reese si Heart Evangelista at okey lang sa kanya kung kanino man siya i-partner ng GMA.

Parang nagkainteres kaming panoorin si ­Reese sa ‘Victor Magtanggol’ dahil sa good impression namin sa kanya.