Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Krizzia petmalu, hinambalos Letran

0 60

Mga Laro Ngayon: (Paco Arena)
12:00noon — JRU vs St. Benilde
2:30pm — Lyceum vs Mapua

HUMAMBALOS ng triple-double performance si Krizzia Reyes upang tulungan ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Lady Generals na manatiling buhay ang tsansa sa semifinals nang lalong ibaon ang Colegio de San Juan de Letran (CSJL) Lady Knights sa bisa ng 17-25, 26-24, 25-21, 25-17 panalo sa second game ng 97th (NCAA) women’s volleyball tournament sa Paco Arena, Sabado.

Bago rito, mabilisang idinispatsa nina Nicole Victoria Sasuman at defending champion Arellano University (AU) Lady Chiefs ang Perpetual Help Lady Altas, 25-12, 25-13, 25-23 sa unang laro.

Bumanat si Reyes ng 18 puntos lahat mula sa atake kaantabay ang 22 excellent digs at 10 excellent receptions upang makuha ng Paco-based volleyball squad ang 2-5 kartada at manatiling buhay ang tsansa sa nalalabing dalawang laro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinangunahan naman sa puntusan ni Catherine Almazan ang Lady Generals sa game-high 23 pointts, gayundin si Jamaica Villena na may 12.

Nagbigay naman ng tig-11 poits para sa Letran sina Chamberlaine Cunada at Shereena Urmeneta na bumagsak sa 1-5 kartada sa pinakailalim ng team standings.

Sunod na makakaharap ng EAC Lady Generals ang solo second place na Arellano University Lady Chiefs sa Martes, habang susubukan naman ng Letran Lady Knights na makaahon pa laban sa kinakapos na Mapua University Lady Cardinals sa Miyerkoles. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.