Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘KSP’ na mister binoga si misis

0 133

Dahil sa hindi na umano siya pinapansin ay pinagbabaril ng isang mister ang kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Mandaue City, Cebu.

Dead on the spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa dibdib at sikmura ang biktimang nakilalang si Marlyn Baya, 47-anyos, empleyado ng Mandaue City Social Welfare Office (CSWO).

Samantala, naaresto ng mga tauhan ng Abel­lana Police Station ng Mandaue City Police ang suspek na si Galo Baya, nasa hustong gulang at isang security guard.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-8:00 ng gabi sa unang palapag ng kanilang ba­hay sa Brgy. Sambag 1 ng nabatid na lungsod.

Napag-alaman na gamit ang kanyang cell­phone at habang naka-earphone ay kumakanta si Marlyn nang lapitan siya ng suspek at ilang ulit na pinagbabaril da­hilan ng agad niyang kamatayan.

SM food to go Banner Ad

Kagyat namang na­dakip si Galo ng rumespondeng pulisya at sa ginawang interogasyon, sinabi ng nauna na kaya niya binaril ang kan­yang misis ay dahil sa pinapabayaan umano siya nito.

Sa tuwing nasa bahay umano ang biktima at walang pasok sa tra­baho ay madalas umano niyang hindi pinapansin ang suspek at pagkanta lang ang laging inaatu­pag. Maingay din umano si Marlyn kapag kumakanta.

Subalit patuloy pa rin ang ginagawang imbesti­gasyon ng pulisya dahil paiba-iba ang pahayag ni Galo sa pulisya kahit hindi ito nakainom ng alak.

Isa pa sa posibleng dahilan ng krimen ay maaaring naapektuhan ang utak ng mister mata­pos ang pagpapaopera niya sa sakit na brain aneurysm ilang taon na ang nakalilipas. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.